Kung titignan natin sa ating ginagalawan at paglakad lakad pagtungo sa ibat-ibang lugar, madami tayong nakikitang hindi dapat makita, manaririnig na hindi dapat marinig at madama na hindi dapat maramdaman.
Sadya nga bang "UNFAIR" na nga ang lipunan? o sadyang wala lang tayong ginagawang hakbang? Pansinin nalang natin ang BAKA at ang mga KALABAW, hindi ba't sila ay mga nilalang na nakatutulong para tayo ay mabuhay? Sa sakripisyo nila sa araw-araw dapat bang sila'y may sungay?
Para sa akin ang sungay ay representatasyon ni SATANAS na naghahasik ng kadiliman sa lahat. Nagbibigay ng daan para ituloy ang mga naiisip mong kabalbalan at kalokohan.
Sa panahon natin ngayon laganap ang impluwensya ni SATANAS sa lipunan. Nandyan ang maduming pulitika, karahasan, kamunduhan at kasakiman. Ngunit bakit sa inosente pa napunta ang SUNGAY na dapat ay sa mga HLANG ang KALULUWA? Hindi bat nararapat silang bigyang ng parusa na siguradong magbabago sila, at higit sa lahat ang malaman na mali ang ginagawa nila.
Hindi tayo naririto para magsawalang kibo na lamang, at sa akin lamang ay katwiran at pagsimpatla sa alam kong may kamalian. Gaya ng BAKA at KALABAW na ang gusto ay makapag lingkod lamang ngunit bakit sila pa ang may sungay? Iiwanan ko sa inyo ang tanong na yan at kayo ng bahalang humusga at magbigay ng kaisipan.
- Icefire
Subscribe to:
Posts (Atom)
Blog Archive
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."