“SK(Sangguniang Kabataan) is our Last BEST hope for good Governance” – Atty. Christian Natividad. Isang napahalagang pangungusap na lalung bumuhay sakin para ito’y aking maisulat.
Bugbog na ang sector na kumakatawan sa kabataan sa dami ng batikos at hinala na kung saan saang bibig nagmumula. Nagiging tampulan ng tukso, nagiging sentro ng usap usapan sa Bara-barangay na kami daw ay walang ginagawa at lagi lang nakatunganga. Aking sasagutin ang mga FAQ’s, haka-haka at mga suhestyon ng mga taong walang alam sa sector na aming kinabibilangan at aming pinaglingkuran. Dahil sa kadahilanang hindi naming maipaliwanag ang aming nararamdaman nung dahil hindi naming alam kung saan magsisimula sa dami ng kanilang mga hinala.
Dapat daw buwagin na ang Sangguniang Kabataan dahil wala naman daw nagagawa.
Ano ang mga problema?
1.Hindi ko sinasabi na lahat kami ay epektibong lider kabataan, alam namin na lahat kami ay may kahinaan at may kanya kanyang dahilan na kung minsan ay hindi napagtutuunan ang mga protekto na dapat tutukan.
2.OO, tama nga at may pondo kami sa IRA(Internal Revenue Allotment) na binibigay ng Sangguniang Barangay bilang 10% na SK funds. Pano kung hindi kasundo si Kapitan? Aray, kahit anung ganda ng proyekto at kahit gano kasipag ang konseho ay mababale wala din ang sikap na ginagawa para maihain ang mga proyekto.
3.Immature daw mag isip ang mga Kabataan, 15-17 ang range ng mga lumalahok sa SK at wala pa daw kakayahan na pangatawanan at gampanan ang tungkulin na iaatang.
4.Nagagamit daw kami ng kung sino sinong pulitiko at bata pa lamang ay alam ng sira na ang sistema at bulok na ang mga isip sa mga maling gawain na itunuro ng mga nakakataas at nananakot sa kanila.
5.Maliwanag na gastos lamang daw sa Gobyerno ang SK. Simula sa halalan hanggang matapos ang termino.
Mga kasagutan na nagmula sa malikot kong isip.
1.Lets meet halfway, hindi kaya ng SK Chairperson ang tungkulin nya kung sya lang mag-isa, kaya nga may mga Kagawad para sumuporta sa lahat ng mga proyekto na ninanais ng Sanggunian. Wala kasing “Honoraria”, yan ang dahilan ng iba kaya ang mga SK kagawad ay naglalahong parang mga bula. Hindi natin sila masisisi dahil human nature ang nararanasa nila pero nalimutan na ata nila ang sinumpaang tungkulin na maglingkod para sa Bayan na walang kapalit at bilang boluntaryong kawani.
Isa sa mga naisip kong solusyon dito ay ang pagbalik ng insentibong pang edukasyon sa bawat kawani ng SK. Hindi kasi nabibigyan ng pantay na tingin sa lipunan kung ikaw ay isang SK kagawad kumpara bilang tagapangulo ng Sanggunian. Kaya kadalasan ay hindi nabibigyang halaga ang kontribusyon ng mga kagawad ng SK kaya medyo nawawalan sila sa gana para maglingkod at tumulong sa mga proyekto na dapat na isakatuparan.
2.Ang pondo ng Sanggunian, kahit napagkasunduan ay dadaan padin sa KAPITAN. Pano kung ayaw ng kapitan? E di ulit na naman? Panibagong proyekto na kung sino lang ang may gusto? Kung maari sana ay ihiwalay na ang pondo ng SK sa Sangguniang Barangay para maging independent talaga ang SK. Hindi kasi maiaalis sa iba na may maitim na hangarin pairalin ang pagiging magulang sa lahat ng aspeto at pati ang mga Kabataan na naglilingkod ay hinahawahan ng mga kalokohan sa lipunan. Ating tandaan na ang pera na yan ay pera ng Kabataan at hindi dapat mapunta sa kung saan saan.
3.Maturity stage ang dinadaanan ng mga Kabataan sa edad na 15-17, ito rin ang panahon kung kelan nagiging mature ang mga Kabataan sa mga bagay bagay. Ang problema lamang ay masyado silang bata pa para pumasok sa isang legal na kontrata na nagagawa lamang ng mga may edad na 18 pataas. Na kung titignan ay maliit lamang ang deperensya ngunit malaki ang masasayang sa termino nila kung hindi magagampanan ng mahusay ang mga trabahong naiatang sa kanila.
4.Hindi sila magagamit kung may sapat silang kaalaman at sapat na hurisdiksyon para may masumbungan at malapitan. Sila ay isang sanggunian na non-partisan at may kakahayan na magplano at gumawa ng nararapat na hakbang sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan. Kung tama ang puno, asahan natin na tama din ang bunga. Resulta? Mas progresibong barangay at mas may kakayahang mga kabataan!
5.Gastos ba kamo ang pagsanay sa mga kabataan para maging susunod na Lider ng Bayan? Gastos ba kamo na magkaroon ng boses ang mga kabataan para maibulalas ang kanilang mga kahilingan at mga proyektong inaasam? Hindi siguro. Pinagakakatiwalaan ang mga kabataan dahil tayo ay may angking kakayahan, taglay na talino at sipag na higit na kailangan ng bayan!
Bukas! Oo bukas! Matatapos na ang panibaging libro ng kasaysayan ng mga kabataang nag-alay ng serbisyo sa kanilang nasasakupan, at isisilang ang mga bagong lider na kakatawan sa uhaw na sektor na sumisigaw ng kakaibang serbisyo at makabagong mga proyekto.
Iceman2010
Subscribe to:
Posts (Atom)
Blog Archive
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."