►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009

Sunday, June 19, 2011

Daddy's Home! :)

The work he works, the more we go to school. The more he spent hours ensuring our future, the more we take aim for the new tomorrow. And the more he sacrifice his personal needs, his vices and his past time for us to give every single peso; the more we enjoy life to the fullest by having things that can purchased by money. Yan si Daddy at ganyan sya magtrabaho para lang mabigay ang mga hinihiling at isinisigaw ng bawat bata, bawat teen ager at bawat di na ganong teen ager. :)

Sabi ng aking Ina, malakas daw uminom si Tatay. (Buti hindi ko namana) Hindi rin nagsusugal. Hindi rin daw nambabae(Buti namana ko un!) at higit sa lahat e masipag, na tipong ginaganawang umaga ang gabi at ginagawang hapon ang madaling araw.

Tanong ko sa sarili ko, pano pag naging ama nako sa paglipas ng panahon? Mahihigitan ko kaya o mapapantayan manlang ang kanyang nagawa sa aming pamilya? Ang sagot ko ay hindi. Dahil ang mga nagawa nya nuon at mga gagawin palang sa ngayon ay magsisilbi kong pamantayan upang sya ay pamarisan at gawing halimbawa na aking susundan habang ako’s nabubuhay.

Malimit nating umpisahan ang umaga pag aalis ng bahay ay hihingi na ng pera para may baon sa eskwela. Samantalang ang ating ama ay gising na bago pa tumilaok ang manok at naghahanap buhay na. Tignan natin ang buhay nila noon at buhay nila ngayon. Napakalaki ng pagkakaiba dahil kasama kana sa responsibilidad nila na nuon ay wala sa hinagap na papasanin ka. Tagos ba? Kung hindi ay eto pa. Para saan ang bagong damit kung si Tatay ay nagtitipid para malamanan ang ating mga lalamunan at mapunuan maski barya ang mga walang laman nating mga bulsa? Hindi na naghahangad ng bagong sapatos tuwing pasko, at hindi narin nangangarap ng bagong pantalon para ikaw ang magkaroon. One word to describe, SAKRIPISYO mga tol.

Malamang ung iba satin, nahihiyang bumati manlang sa kanila sa special day nila. Pero alam nyo bang un ang pinakasimpleng regalo na maibibigay natin bilang sukli sa mga sakripisyo nila. Simulan muna habang may oras pa kasi baka mamaya wala kanang sasabihan ng “Tatay MAHAL kita!”. :)

Saturday, December 11, 2010

Pagkakaibigan(isang malalim na pagtanaw)

Bago ako mag shut down ng laptop biglang bumanat si Pareng Ely, kasama ng kanyang bandang di makakailang dinala ang madla sa kawalan. Tumigil saglit ang mundo, kasabay ng pagpasok ng isip ko sa ibang dimenyon na puro ala-ala ang tumatakbo sa hinagap na hapo sa maghapon trabaho.


Bumanat ba naman ng MINSAN, at nagdala sakin sa kawalan.

"Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin, Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan. Sa ilalim ng bilog na buwan, Mga tiyan nati'y walang laman Ngunit kahit na walang pera Ang bawat gabi'y anong saya."

Bakit ko nga ba naalala ang mga kaibigan ko? dahil ba kasama ko sila sa tawanan? katagayan sa inuman? karamay sa walang katapusang iyakan? at kasama sa lahat ng pagtatakip at kasinungalingan? marahil hindi at marahil oo. Marami akong kaibigan na sa tuwing may kailangan ko ay nagdadatingan, at hanga ako dahil sila ay may simpatya sa aking tunay na nararamdaman. Meron din naman hindi alam kung ano ang nais kong iparating ngunit umiintindi parin sa akin sa kabila ng maraming gawain.Sila nga ay KAIBIGAN!


Sila ay masasabi kong isang mainam na halimbawa kung bakit ngpapatuloy ang isang tulad ko na lumaban sa mundo, at ipakita kung gano ako nahubog sa pamamagitan ng barkada at mga kaibigan ko. Sila ang nagturo sakin upang lumaban ng walang dahas, bumali ng sungay ng demonyo ng walang armas at ang magpakumbaba bilang isang tao na may pananagutan sa Dyos at Bayan. Alam kong marami kayo, nagpapasalamat at sumasaludo ako sa bawat isa at alam nyo naman kung sino sino at kung anong klaseng halimaw kayo. Basta, hanga ako at nandyan kayo para supilin ang sobra sa akin, ipaalala ang mga dapat gawin at ilatag ang plano para sa HINAHARAP natin!



P.S. sinulat ko to para malaman nyo na malapit na ang pasko, at naghihintay ako sa mga regalo na ibabalot nyo :)

Sunday, October 24, 2010

What is up for SK?




“SK(Sangguniang Kabataan) is our Last BEST hope for good Governance” – Atty. Christian Natividad. Isang napahalagang pangungusap na lalung bumuhay sakin para ito’y aking maisulat.

Bugbog na ang sector na kumakatawan sa kabataan sa dami ng batikos at hinala na kung saan saang bibig nagmumula. Nagiging tampulan ng tukso, nagiging sentro ng usap usapan sa Bara-barangay na kami daw ay walang ginagawa at lagi lang nakatunganga. Aking sasagutin ang mga FAQ’s, haka-haka at mga suhestyon ng mga taong walang alam sa sector na aming kinabibilangan at aming pinaglingkuran. Dahil sa kadahilanang hindi naming maipaliwanag ang aming nararamdaman nung dahil hindi naming alam kung saan magsisimula sa dami ng kanilang mga hinala.

Dapat daw buwagin na ang Sangguniang Kabataan dahil wala naman daw nagagawa.

Ano ang mga problema?

1.Hindi ko sinasabi na lahat kami ay epektibong lider kabataan, alam namin na lahat kami ay may kahinaan at may kanya kanyang dahilan na kung minsan ay hindi napagtutuunan ang mga protekto na dapat tutukan.

2.OO, tama nga at may pondo kami sa IRA(Internal Revenue Allotment) na binibigay ng Sangguniang Barangay bilang 10% na SK funds. Pano kung hindi kasundo si Kapitan? Aray, kahit anung ganda ng proyekto at kahit gano kasipag ang konseho ay mababale wala din ang sikap na ginagawa para maihain ang mga proyekto.

3.Immature daw mag isip ang mga Kabataan, 15-17 ang range ng mga lumalahok sa SK at wala pa daw kakayahan na pangatawanan at gampanan ang tungkulin na iaatang.

4.Nagagamit daw kami ng kung sino sinong pulitiko at bata pa lamang ay alam ng sira na ang sistema at bulok na ang mga isip sa mga maling gawain na itunuro ng mga nakakataas at nananakot sa kanila.

5.Maliwanag na gastos lamang daw sa Gobyerno ang SK. Simula sa halalan hanggang matapos ang termino.

Mga kasagutan na nagmula sa malikot kong isip.

1.Lets meet halfway, hindi kaya ng SK Chairperson ang tungkulin nya kung sya lang mag-isa, kaya nga may mga Kagawad para sumuporta sa lahat ng mga proyekto na ninanais ng Sanggunian. Wala kasing “Honoraria”, yan ang dahilan ng iba kaya ang mga SK kagawad ay naglalahong parang mga bula. Hindi natin sila masisisi dahil human nature ang nararanasa nila pero nalimutan na ata nila ang sinumpaang tungkulin na maglingkod para sa Bayan na walang kapalit at bilang boluntaryong kawani.

Isa sa mga naisip kong solusyon dito ay ang pagbalik ng insentibong pang edukasyon sa bawat kawani ng SK. Hindi kasi nabibigyan ng pantay na tingin sa lipunan kung ikaw ay isang SK kagawad kumpara bilang tagapangulo ng Sanggunian. Kaya kadalasan ay hindi nabibigyang halaga ang kontribusyon ng mga kagawad ng SK kaya medyo nawawalan sila sa gana para maglingkod at tumulong sa mga proyekto na dapat na isakatuparan.

2.Ang pondo ng Sanggunian, kahit napagkasunduan ay dadaan padin sa KAPITAN. Pano kung ayaw ng kapitan? E di ulit na naman? Panibagong proyekto na kung sino lang ang may gusto? Kung maari sana ay ihiwalay na ang pondo ng SK sa Sangguniang Barangay para maging independent talaga ang SK. Hindi kasi maiaalis sa iba na may maitim na hangarin pairalin ang pagiging magulang sa lahat ng aspeto at pati ang mga Kabataan na naglilingkod ay hinahawahan ng mga kalokohan sa lipunan. Ating tandaan na ang pera na yan ay pera ng Kabataan at hindi dapat mapunta sa kung saan saan.

3.Maturity stage ang dinadaanan ng mga Kabataan sa edad na 15-17, ito rin ang panahon kung kelan nagiging mature ang mga Kabataan sa mga bagay bagay. Ang problema lamang ay masyado silang bata pa para pumasok sa isang legal na kontrata na nagagawa lamang ng mga may edad na 18 pataas. Na kung titignan ay maliit lamang ang deperensya ngunit malaki ang masasayang sa termino nila kung hindi magagampanan ng mahusay ang mga trabahong naiatang sa kanila.

4.Hindi sila magagamit kung may sapat silang kaalaman at sapat na hurisdiksyon para may masumbungan at malapitan. Sila ay isang sanggunian na non-partisan at may kakahayan na magplano at gumawa ng nararapat na hakbang sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan. Kung tama ang puno, asahan natin na tama din ang bunga. Resulta? Mas progresibong barangay at mas may kakayahang mga kabataan!

5.Gastos ba kamo ang pagsanay sa mga kabataan para maging susunod na Lider ng Bayan? Gastos ba kamo na magkaroon ng boses ang mga kabataan para maibulalas ang kanilang mga kahilingan at mga proyektong inaasam? Hindi siguro. Pinagakakatiwalaan ang mga kabataan dahil tayo ay may angking kakayahan, taglay na talino at sipag na higit na kailangan ng bayan!

Bukas! Oo bukas! Matatapos na ang panibaging libro ng kasaysayan ng mga kabataang nag-alay ng serbisyo sa kanilang nasasakupan, at isisilang ang mga bagong lider na kakatawan sa uhaw na sektor na sumisigaw ng kakaibang serbisyo at makabagong mga proyekto.


Iceman2010

Monday, September 13, 2010

Ang lansangan bow!



Madaming tao, parang palengke parang mall. Nag-uunahan ang mga sasakyan at nagkakarera na parang buwis buhay. Ang mga tao, lakad ng lakad. Ang iba nagkakalat at ang iba ay walang pakialam. Ung iba nga nagkakalat pa at kung di kuntento ay minsan ay dumudura pa.

Lubak lubak, bato bato at unti unti ang progreso. Nakakalungkot dahil pinagkakaperahan pa ng mga nasa lipunan na mapagsamantala. Kamot ulo nalang si mamang driver kapag nalubak at nahulog ang mga barya na pupulutin ni batang paslit na maagang natuto sa sistemang manhid.

Ginagawang parking lot ang mga lansangan kaya naman buhol buhol hanggang sa tarangkahan. Burado ang mga pedestrian at maging mga aso at palaka ay napipipi at nasasagasaan. Wangwang dati, ngayon naman ay palakasan ng buga ng tambutso at pahangasan ng nakakasilaw na ilaw na nakakadisgrasya kay Totoy LABO!

Ang mga traffic light ay pundido pa, at ang mga dyip ay lumilipad na talaga. Mga bus ay nagkakarambola at mga fx ay nagpapayabangan sa pintura. Si MRT at LRT nalang ang piping saksi sa mga nangyayari sa lansangan na hindi masolusyunan, at malabong pang masolusyunan sa kawalan ng disiplina ng bawat isa na gumagamit at dumadaan.

Walang helmet ang nagmomotor at puro porma, ang kulang nalang yata ay makipagkarera nadin ang mga bisikleta para IN nadin sila. Lansangang kaysikip, pilit paring pinagwawalang bahala dahil sa nakagawian ng mga dumadaan. Minsan nga naisip ko na kung meron na dapat baguhin sa umpisa ay ang ating mga kalsada dahil dito natin nakikita kung tayo nga ba ay may disiplina.

May mga traffic sign nga wala namang sumusunod, may tawiran nga hindi naman gingamit at kung saan peligroso ay tinataya maging buhay ng batang paslit. May batas pero walang aksyon, may naninita pero kulang sa inpormasyon at may mga tao na walang pakialam sa mundo na kung tutuusin ay sila rin ang makikinabang sa pag sasaayos ng lansangan at trapiko.

Nalilito, nalilito, nahihilo, nahihilo na ako sa lansangan natin na kay gulo. Naniniwala ako na maayos parin ito sa panahon na ang disiplina ay bumalik at mapatawad ang mga sadyang walang pagnanais na gamitin at lumagay sa daang tahimik.

Thursday, August 26, 2010

Ronaldo says “Hi Fans!”



Hello Philippines and hello World. Yan ang bati ni Cap. Ronaldo Mendoza sa bisperas ng laban ni Venus Raj. Ano ang kanyang kailangan? Simple lang, maibalik sya sa pwesto at kwestyunin ang desisyon ng Ombudsman.

Were caught asleep in a tense situation while waiting for another move or an explosion. Sumabit ng malupit ang Perlas ng Silangan na nagresulta sa pagsigaw ng katarungan ng nasa katabi nating Island.

Who’s to blame? No one? Ganyan tayong mga Pilipino, turo dito turo doon. Pero nakalimutan yata nila ang principle ng pagtuturo na ginawan ko ng sariling bersyon, “once you point a finger, remember that there are three fingers left and are currently pointed to yourself”.
Nagkaroon tuloy ng permature publicity ang “Philippines” sa trending topic ngtwitter at facebook. Sari saring komento pero ang mas masakit ay kapwa Pilipino ang biktima dito. Ikinakahiya ang sariling lahi sa ating bansa at sa home bae ng mga biktima at “RACISM” ang pamamahiya.

Walang nanawagan ng kapayapaan kundi ko pa nakita ng tweet ni Jackie Chanand i quote “HK is a nation built by a lot of different people..don’t worry! We do not hate!”

Madaling manisi pero ang solusyon sa lahat ng suliranin ay magsisimula sa sarili. Mas mainam na nga naman ang sobra kesa laging kulang. Kulang ang gamit ng ating Kapulisan. Ang media ay masyadong naging bayani sa panahon na nakatutok sa mahalagang issue ang sambayanan. Ang mga USI ay nagkalat kaya ang isa sa kanila ay tinamaan at ang mas nakakainis ay ang nagpapicture pa na mga ignorante na lalong ikinainit ng ulo ni mga HK nationals.

Kawawa ang mga namatay, kawawa ang pamilya ni Mendoza at kawawa ang sambayanan. Mabuti nalang at nakabawi si Venus Raj na pansamanatalang pinawi ang muhi ng bawat isa. Kaya ngayon ay tutok satin anmg buong mundo, at di naman ako nawawalan ng pag-asa na makakabawi ang lahing Pilipino.Ganyan naman tayo, sanay sa gipitan at hindi papatalo kahit inaapakan!

Friday, August 20, 2010

Spell S.A.K.R.I.P.I.S.Y.O



Malinaw sa bawat isa na ang buhay ay hindi madali. Ika nga sa isang t-shirt na nakitako, "Ang buhay nga naman parang BATO, Its hard!" Tama nga naman, di nako nagtataka sa mga kababayan ko kung bakit dumadaing sa lahat ng bagay gaya ng mainit, nagugutom, at inaantok. Natural yan pero matuturing na sakripisyo kung dadaanin sa pagiisip ko. Nalilito at naguguluhan nga ako e kung paano nakapasok ang isda sa lata na tinawag na sardinas. Isdang tanga nga daw sya, pero sakripisyo ang ginawa nya para may maiulam ka. Make sense?

Nakatawag pansin sakin ang mga matatanda na kahit may sakit na iniinda, may kahinaan na ang tenga at malalabo na ang mata ay nagtatrabaho pa para sa pamilya nila.Hindi ba kahanga hanga? Ngunit sa kabila ng lahat ay may nagsasamantala padin sa kanila na hindi naaawa sa kalalagayan nila.

Ang sakripisyo para sakin ay parang Espirito na pumasok sa loob ng bote ng coke, para bigyan ng kwela at dating ang paginom ng softdrinks. Parang itlog na sumama sa Mayonaise na kahit naglaho man ang dilaw sa ay go lang para sumarap ang Palaman. Para ding aso na lagging nakabantay at laging loyal na kahit walang pagkain ay keri lang dahil mas mahalaga ang pagpapahalaga sa amo nya. Pero sa lahat ng ito ay marami din ang ika nga ay epic fail sa fairy tale. Na parang nabasag ang bote ng coke at dina napakinabangan ang laman dahil hindi nagmulto ang espirito na nakapaloob sa kanya. Para ding lata ng sardinas na na naexpire at di na makain ang nasa loob na sana ay naipanlaman sa nagugutom na sikmura. At Para ding aso na nagbabantay pero nasilaw sa buto at pinapasok ang magnanakaw sa isang malalim na gabi. Lumalalim at umaangat, eto ang naisip ko na solusyon.Ginawang plastic ang lalagyan ng coke para ligtas sa basag at mainom ng lahat,nilagyan ang mayonnaise ng preservatives para mas tumagal ang buhay a tbinubusog ang aso para makapagbantay ng husto. Magulo hano? Pero nakikita ko na nagiging mainam para maisakatuparan ang bawat kagustuhan at pangangailangan ng tao sa mundong ibabaw.

Panay ako halimbawa kasi wala ako halos magawa, natulog na matagal ang aking diwa sa pagsulat at palagay ako ay tinamaan nako ng kalawang mga barko ng Pilipinas ay matatagpuan. Dahil maging ako ay nagsasakripisyo din dahil maraming dapat na gawin, madaming dapat patunayan,madaming nararapat na itama at kailangang mapuna. Kanya kanyang sakripisyo, magkakaibang resulta. Pero sa kabila ng lahat ay hindi nahulog ang diwa dahil sa sariling pamamaraan ay nakalikha ng hindi maitatanging kabutihan sa kapwa. Pamilya man, kaibigan at strangers sa kahit saan ay may mapupulot na aral at may mararamdaman na kasiyahan hindi lang sa pamamagitan ng tawanan, higit sa lahat ay ang hindi showy na pagmamahal na nagtatago sa SAKRIPISYO na bansag ng karamihan. :)



Thursday, August 5, 2010

Ang Puso ng Saging at si Juan Tamad.


Ano nga ba ang saysay ng puso na kahit hindi pa nagiging saging ay naluluto na natin at masustansya paring kainin? Matagal na inaalagaan at kung hihintayin ng lubusan ay tsaka pa lang makikita at malalasap ang tagumpay ng pamumunga at ginhawa sa pagtangal ng mabigat sa kanya(puno ng saging). May nagsabi na kaya na ang saging ay nagmamahal din? Na ang kanya talagang gusto ay magbigay ng pagkain at buhayin ang mga tao na sa bunga nya ay kakain. Pero sa lahat ng puno ay sa kanya ako bilib sa taglay nyang pag-ibig. Ilabas ba naman ang puso at ipangalandakan sa mundo at ibigay sa tao ang BUNGA nito. At habang nabubuhay ay magsisilbi hanggang sa huling sandali na bunga nya ang kapalit. I found it sweet!

Talaga nga naman na masarap ang mga bagay na pinaghihirapan at hindi dinadaan sa santong paspasan. Kung si Juan Tamad ay naghihintay sa Bayabas na mahulog nalang habang nakahiga ay di natin sya masisisi. Maliban sa sya ay tamad(daw), ay isa din syang pasensyoso at mapaghintay na tao. Sinabi ba sa kwento na si Juan ay sadyang tamad para kunin ang hinog ba Bayabas? hindi naman diba? Malay ba natin kung hilaw pa yon at hinihintay nya talaga at binabantayan para hindi makuha ng iba? Ewan ewan sadyang bitin ang kwento na kung iisipin natin ay masama syang tao, larawan ng katamaran at nahusgahan dahil sa pagpapakita ng kanyang natural ba ginagawa. Pero ang hindi natin alam ay sa bawat tao ay may natatagong hiwaga na malalaman lamang natin kapag tayo ay nagbukas ng ating mga gunita at diwa.

Hindi matatapos kay Juan Tamad at sa Puso ng saging ang aking kwento. Pano kung ang puso ng Saging ang hinihintay mahulog ni Juan? Mas lalo kaya natin syang isumpa dahil sa kanyang katamaran at hindi magandang halimbawa? Ganito kasi tayong mga tao na mahilig manumbat at naninisi kahit hindi kasali sa problemang kinakaharap ng kapwa. Tama nga na si Juan ay nagbigay ng hindi magandang halimbawa pero para sakin ay sya'y may dugong Bayani at may aral na ibinaba sa lahat ng PILIPINO na hanggang ngayon ay humihinga at nakikipagsapalaran pa. Wag nating kalimutan na sya ay PILIPINO na nagtataglay ng isang malupit na pangalan at nagmulat satin sa "KATAMARAN" na sakit ng lipunan, na nararapat mawala sa bawat isa at magkaroon ng puso ng saging na mapagbigay sa KAPWA nya.