►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009

Friday, August 20, 2010

Spell S.A.K.R.I.P.I.S.Y.O



Malinaw sa bawat isa na ang buhay ay hindi madali. Ika nga sa isang t-shirt na nakitako, "Ang buhay nga naman parang BATO, Its hard!" Tama nga naman, di nako nagtataka sa mga kababayan ko kung bakit dumadaing sa lahat ng bagay gaya ng mainit, nagugutom, at inaantok. Natural yan pero matuturing na sakripisyo kung dadaanin sa pagiisip ko. Nalilito at naguguluhan nga ako e kung paano nakapasok ang isda sa lata na tinawag na sardinas. Isdang tanga nga daw sya, pero sakripisyo ang ginawa nya para may maiulam ka. Make sense?

Nakatawag pansin sakin ang mga matatanda na kahit may sakit na iniinda, may kahinaan na ang tenga at malalabo na ang mata ay nagtatrabaho pa para sa pamilya nila.Hindi ba kahanga hanga? Ngunit sa kabila ng lahat ay may nagsasamantala padin sa kanila na hindi naaawa sa kalalagayan nila.

Ang sakripisyo para sakin ay parang Espirito na pumasok sa loob ng bote ng coke, para bigyan ng kwela at dating ang paginom ng softdrinks. Parang itlog na sumama sa Mayonaise na kahit naglaho man ang dilaw sa ay go lang para sumarap ang Palaman. Para ding aso na lagging nakabantay at laging loyal na kahit walang pagkain ay keri lang dahil mas mahalaga ang pagpapahalaga sa amo nya. Pero sa lahat ng ito ay marami din ang ika nga ay epic fail sa fairy tale. Na parang nabasag ang bote ng coke at dina napakinabangan ang laman dahil hindi nagmulto ang espirito na nakapaloob sa kanya. Para ding lata ng sardinas na na naexpire at di na makain ang nasa loob na sana ay naipanlaman sa nagugutom na sikmura. At Para ding aso na nagbabantay pero nasilaw sa buto at pinapasok ang magnanakaw sa isang malalim na gabi. Lumalalim at umaangat, eto ang naisip ko na solusyon.Ginawang plastic ang lalagyan ng coke para ligtas sa basag at mainom ng lahat,nilagyan ang mayonnaise ng preservatives para mas tumagal ang buhay a tbinubusog ang aso para makapagbantay ng husto. Magulo hano? Pero nakikita ko na nagiging mainam para maisakatuparan ang bawat kagustuhan at pangangailangan ng tao sa mundong ibabaw.

Panay ako halimbawa kasi wala ako halos magawa, natulog na matagal ang aking diwa sa pagsulat at palagay ako ay tinamaan nako ng kalawang mga barko ng Pilipinas ay matatagpuan. Dahil maging ako ay nagsasakripisyo din dahil maraming dapat na gawin, madaming dapat patunayan,madaming nararapat na itama at kailangang mapuna. Kanya kanyang sakripisyo, magkakaibang resulta. Pero sa kabila ng lahat ay hindi nahulog ang diwa dahil sa sariling pamamaraan ay nakalikha ng hindi maitatanging kabutihan sa kapwa. Pamilya man, kaibigan at strangers sa kahit saan ay may mapupulot na aral at may mararamdaman na kasiyahan hindi lang sa pamamagitan ng tawanan, higit sa lahat ay ang hindi showy na pagmamahal na nagtatago sa SAKRIPISYO na bansag ng karamihan. :)



0 comments:

Post a Comment