►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009




Sa pagpasok ng bagong taon, tinig ng karamihan ang aking naririnig at PINUPULSUHAN. May kanya kanyang kahilingan at pinakakaasam, ngunit walang tatalo sa tinig ng taumbayan na PAGBABAGO ang maasam. Balik sa totoong buhay na ating nakasanayan at pilit pa ring nireremedyuhan.

May ilan lamang akong puna, dahil sa tingin ko ito ang dapat nating itama. Una, isantabi na ang “NOBODY” na ginawa ng National anthem ng karamihan sa Christmas party. Parang awa niyo na, di naman natin naiintindihan ang sinasabi nila kanta pa tayo ng KANTA. Tanungin mo ang mga BATA, ano ang ating PAMBANSANG awit? “BAYANG MAGILIW!!”. Sino ang kumanta ng “NOBODY”? tiyak tumpak ang kasagutan may kasama pang palakpak at hiyaw. Malamang sa ganito KABATAANG PILIPINO ang talo. Ikalawa, ang paghingi ng PAGBABAGO na sa iboboto mo IPASASALO. Mukang malabong usapan ang kanilang gusto, gusto ng PAGBABAGO ngunit sa sarili nila ay walang makitang PAGBABAGO.

Kumikitid na ata ang utak ng KARAMIHAN, nagpapadala na lamang sa sinasabi ng iilan. Binibigyang kahulugan ang gustong mangyari sa pamamagitan ng SALITA, at makita mo nalang mamaya ay NAKATUNGANGA. Pano darating ang PAGBABAGO na inaasam mo kung nagiging preso ka sa sarili mong mundo? Malulungkot ka nun sigurado dahil walang dadalaw sayo kundi multo na lamang ng SARILI mo, na walang ginawa kundi magtago sa LOOB mo sa kahihiyang dinudulot mo.

Meron nga pala akong kwento, ibibida ko sa inyo ang aking naranasan noon lamang nadaang mga araw. Sumakay ako sa taxi, nagpahatid ako sa destinasyong di kalayuan ngunit ginto ang bayaran. Hindi nako nagreklamo kay Suansing(Chair ng LTFRB)sa mga abusadong drayber na ayaw magsakay, kinontrata na lamang ang tsuper na sa tingin ko ay hindi kampon ng kadiliman . Tinanong ko si mamang tsuper, “Magkano ho ang kita nyo sa isang araw?” Nagulat ako sa sagot nya na “Sapat lamang upang makapagpaaral ang dalawang high school kong anak sa secondaryang paaralan”. Akoy talagang nagulat at napipi sa kanyang sambulat, naisip ko na lamang ang hirap na di ko nararanasan dahil maghapon niyang pinagpapaguran para lamang may maiuwing konti sa hapunan.

May isa pa kong napansin at minabuti na sa inyo ay sabihin. Mabuti pa ang gobyerno nangagalaga sa KALIKASAN dahil sa nabubulok na sistema na walang pinagbago mula ng sumikat tayo sa kurupsyon. Marami sanang pera ang PILIPINAS kaya lang sa itim ng budhi bumabagsak.

Bago matapos ang akda na ito ay nais kong itanong sa inyo kung para saan ang PAGBABAGO? Mukha kasing nasasawa nako sa paulit-ulit na pagsambit nito ng mga may AMBISYON na maluklok sa pwesto. Nauubos na ang pasensya ng karamihan at tila isang kandila na dulo na lamang ang natitira dahil napagod na para ilawan ang akala nya ay magtutuwid sa kanya. Isa lang ang hangad ko, ang umunlad ang baying ito na ang gumalaw ay lahat tayo at huwag iasa sa kung kani-kanino. Dahil tandaan mo na nasayo ang ikauulad mo at wala sa palad ng katabi mo.



Ang BAGONG TAON ay parang GRADUATION, isang PAGTATAPOS at isa din namang BAGONG PAGSUBOK. Magtatapos ka hindi dahil iiwan mo sila, ngunit PAGSUBOK ito para MATUTO at LUMIPAD ka pa. Natapos man ang isang yugto tiyak ay may parating na panibago, na hihigitan ang mga natapos mo at SUSUBUKAN ang katatagan mo. Magagamit natin ang paglipas na ito hindi lamang sa ating PAMAMAALAM, kundi isang PASASALAMAT sa isang TAONG NAGDAAN na sa atin ay nagbigay ng HUSAY at KAALAMAN.

Isang pag-alaala sana ang ating gawin, bigyang oras na ito ay silipin dahil ito ay hindi maipag-kakaila na parte na ng buhay natin. Nagpasalamat ka na ba sa mga taong sa munting paraan ay NATULUNGAN ka? E Sa mga taong binigyan ka ng halaga? At ung mga taong hindi mo akalaing importante ka pala? Minsan nakakalimutan natin sila na hindi natin akalain na may NAIAMBAG pala, sa ating BUHAY upang tayo ay patuloy na UMUNLAD.

Ang BAGONG TAON ay kwento ng PAGSUBOK, na naging KALABAN natin sa mga PROBLEMA at mga MADIDILIM na yugto sa ating buhay. Kwento din ito ng SAYA, na naghatid sa atin ng TUWA at ligaya sa bawat isa. Marahil tayo ay may mga PANGAMBA kung sa darating na taon ay MAKAKAYA pa ba. Ang tanging sagot ko ay OO dahil nandyan ang bawat isa, marahil hindi mo pa kilala ngunit malay natin sa hinaharap ay magiging KAIBIGAN at KATUWANG mo pala.

Hindi isyu ang pagiging MALAS sa pagtatapos ng TAON, ito ay kung PINAHALAGAHAN mo ba ang bawat PAGKAKATAON o hinayaan mo na lamang na gumulong ito sa BALON. Marami sa atin ang hindi na MAKAPAGHINTAY, gusto nang makitang magliwanag ang KALANGITAN at kumislap ang luces na SISINDIHAN. Ngunit sa isang malabong parte ng LANGIT ay NAGKUKUBLI ang may mga MADIDILIM ang ISIP. Tila sawa na sa hirap dahil sa mga dinanas, at nauubos na ang pasensya sa tila ba ay pagong na pagusad ng BAYAN nila.

Sa pangwakas ay nararapat na tayo ay MAGPASALAMAT, sa mga TAONG sa atin ay NAGMULAT sa tunay na KATOTOHANAN na dapat nating MAINTINDIHAN, sa mga bagay na dapat MAUNAWAAN kahit medyo MASALIMUOT ang pinagmulan at sa mga NAIAMBAG na KATALINUHAN na BABAUNIN natin mapakailanman. Sila ang mga taong likas ang KAMAY na tumulong upang malaman natin kung SINO tayo, sapat para maipagmalaki ang ating SARILI sa kaninu man at maitayo ang bandila ng KATAPATAN.

Madami tayong pagsubok sa bawat araw ay nagdaan at hindi matatawaran ang mga ALA-ALA na tumatak na sa isipan. Maraming NAGANAP sa ating nakalipas ngunit sa hinaharap ay isang malaking PAGSUBOK ang magaganap. Hindi natin alam kung SAAN tayo tutungo ngunit sa tamang PAGUUGALI tayo ay itatampok, sa tunay na TAGUMPAY na sa atin ay naghihintay at sa PAGBABAGONG pinapangarap natin mula ng tayo ay IPINANGANAK.

Isa lamang ang hiling ko, na sana lahat tayo ay hindi humiling ng material kay Bro. Kundi hingin natin na tayo ay PATATAGIN sa mga pagsubok na ibibigay nya sa atin. At sa PAGBABALIK TANAW na ito SANA nawa ay nakatulong ako sa aking BAYAN na ipaglalaban ko, at sa mga TAO na nakabasa nito na walang sawa na binibigyang buhay ang PAGSULAT ko. “Mali ang LAGING UMASA, pero mas lalung MALI kung MAWAWALAN na agad ng PAG ASA!” – ito sana ang maging gabay ng bawat isa dahil marami na sa atin ang NAGPATUNAY at nagsabing “MAY PAG-ASA PA”.

Maligayang BAGONG TAON sa ating lahat! Tayo nawa ay PATNUBAYAN ng POONG Maykapal!



Sa palagay mo ba ay nakakatulong ka sa PAKIKISAWSAW mo sa isang sitwasyon na wala ka namang KINALAMAN? Sadya nga bang nakakatuwa na ikaw ay UMEPAL sa isang eksena na hindi naman ikaw ang BIDA? Lumabas tuloy ang ugali mong KONTRABIDA na hindi nila alam na meron ka pala. Para lang yang isang bata na nadapa na at imbes na itayo ay pinagtawanan mo pa.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang istorya na hindi ko lubos maisip ang sobrang babaw ng pinagmulan. Dahil lamang ito sa insecurity na nararamdaman matapos ang hiwalayan na mababaw pa sa low tide sa aming bayan. Nagngingitngit sa galit na hindi maintindihan, panay PARINIG kung saan saan na kulang nalang ay ibroadcast sa buong bayan at higit sa lahat nakikialam sa ginagawa ng iba na wala naman SIYANG kinalaman.

Nakakalungkot isipin na ganito tayo kung minsan na dahil sa pinaniniwalaan ay kayang ipagpalit ang pag-kakaibigan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maririnig mo ang TAMA sa bawat isa, marahil hindi nya sasabihin ang lahat ng nalalaman nya upang sa maikling panahon ay MATAUHAN ka sa mga ginagawa mong hindi kaaya-aya.

Paano nga timbangin ang TAMA pero hindi dapat at ang MALI na nararapat? Parang ang hirap intindihin ngunit ito ang realidad na dapat nating harapin. Gagawin mo ang tama kahit may masaktan upang nasa matuwid ang iyong landas na ginagalawan at nilalakaran. At kung MAKIKIALAM ka man ay sa ikaaayos na lamang at higit sa ikakukumplikado pa ng mga bagay bagay. Dahil pagdating sa dulo ng walang hanggan ay baka ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit sila ay hindi magkaunawaan.

Maraming KABATAAN ang sa tingin ko ay nagiging bilango ng sariling kahinaan. Mawala ang syota, walang pangyosi at kung minsan ay tila mo lango sa impluwensya ng dilim na hindi MATALIKURAN. Ganyan na nga kaya ang kabataan sa ating panahon? Abay tila tayo nadin ang gumagawa ng hukay sa seminteryo na hindi pinaglilibingan ng karamihan, dahil mga halang ang kaluluwa ang dito ay mga nahihimlay.

Ang punto ko lamang ay maging obdyektibo sana tayo sa lahat ng bagay, sitwasyon at desisyon na ating PAKIKIALAMAN, timbanging patas kung ano ang tama at wag manghiram ng panimbang sa tinderang mandaraya. Dahil pag ito ay napagtagumpayan mo ay HAHANGAAN ka at sasaluduhan ng mga makakakita sayo, kahit pa sila ay hindi pulis o sundalo. Ang importatante ay pinairal mo ang pagiging mababa mo at hindi pinakita ang KABABAWAN ng kokote mo. Malay mo lahat ay magtatakip ng sumbrero kung nais man nilang MAKIALAM sa buhay mo, o ang pagtatangka na sirain ang mga PANGARAP mo.

Saturday, January 2, 2010

LABINTATLO: Bumilang ng Isa, Dalawa, Tatlo


Sadya nga bang MALAS ang bilang na LABINTATLO? HUDAS kung tawagin nating mga Pilipino, ngunit ang basehan ay nagpasa-pasa lamang kung kani-kanino. Maraming tanong na gumugulo sa isip ko kung bakit tinawag na MALAS ang nasabing NUMERO. At sa ngayon ay balak kong ibahagi ang pananaw ko sa kung ano nga ba sa akin ang numero LABINTATLO.

Isang kwento ang narinig ko na NAKAPAGPABAGABAG sa isipan ko, at hindi ko alam kung papaano sumiksik sa kokote ko ay idealismo na pinagkaloob nito. Isang karumal dumal na pangyayari na hindi ko malaman kung pano ipaliliwanag, dahil sa isipan ko ay hindi rin malinaw ang mga naganap.

May isang lalaki ang nagpakalango sa DROGA, at akala niya ay maglalayo sa kanya sa tunay na problema. Ngunit ang hindi nya alam ay maglalapit pala sa kanya, sa kapahamakan na papasukin pa lamang niya. Animo’y may BUMULONG at NAGDIKTA ng isang utos, na walang tangging agad niyang sinunod.

Nagdilim ang kanyang mga mata at ang buong paligid, at ang tanging maliwanag lamang ay ang UTOS na sa kanya ay sinambit. Sa kusina sya ay dumiretso at kumuha ng mga kutsilyo, at walang habas na PINAGSASAKSAK ang mga inosenteng walang ALAM sa tunay niyang MUNDO. Isang magiting na ina ang sumaklolo dahil ang kanyang munting ANGHEL ay nasa peligro. Walang sinino ay taong yaon na walang sinusunod KUNDI ang matalinhagang BULONG. ”ISA, umabot hanggang tatlo. IKALAWA, marahil sumagad hanggang pito at IKATATLO tinapos sa pangLABINGTATLO.” At dito natapos ang bilang ng DIABLO.

Matapos ang pangyayari ay ako’y hindi mapakali sa lupit ng sinapit ng mga inosente, Nang ang DIABLO ay naghasik ng GALIT. Kinasangkapan ang isang lumilipad ang isip sa pamamagitan ng pagsanib sa drogang kanyang hinihitit. Pati yata ang NAGBALITA ay sinaniban din, Nang kanyang nilathala ay KAMUNDUHAN sa gitna ng pasakit. Tama bang bigyan ng kulay ang isang kahindik hindik na karanasan sa mga naririnig sa kung kani-kanino lang? Marahil kaya din sila napagsasamantalahan ay dahil sa ugali nilang minsan ay mapagbintang.

Kinakapos na yata ang mundo sa kampon ng LIWANAG, Bagkos ay dumadami ang lumalahok sa grupo ni SATANAS. Dumidilim ang liwanag na parang may bagyo at nagsisimulang sumikat ang araw sa ilalim ng MUNDO. Gumagawa ng lagusan para sa mga taong walang kapupuntahan kundi ang impyerno, at walang ibang landas kundi kay Satanas. Napaghahari nila ang KASAMAAN imbes na sumama sa pagkakalat ng KABUTIHAN, at pinaghahari ang mga masasamang kaisipan. Palagay ko tayo ang kawawa sa ating PAGLALAKBAY na mahaba, na kung PATATALO sa tukso ay tiyak ITATATAK sayo sa IMPYERNO ang numero LABINTATLO.

Maraming salamat sa isang kaibigan na ipinagkatiwala ang KABAITAN, sa pamamagitan ng mabuting pakikipag-ugnayan ay naisulat ang aking pananaw. Ang sa akin lang naman ay opinyon at hindi pakikialam sa kung SAAN man kayo nasisiyahan. Malay mo ikaw ay naliligaw, at pwede kitang ihatid sa TAMA at tuwid na kaisipan. Huwag nating hayaan na mangyari muli ito, at sundan ang daan patungo sa PAGBABAGO. Dahil kung magaganap muli ito marahil MAKAKASAMA mo ang mahilig bumulong na NAKABASE sa impyerno.