►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009



Sa palagay mo ba ay nakakatulong ka sa PAKIKISAWSAW mo sa isang sitwasyon na wala ka namang KINALAMAN? Sadya nga bang nakakatuwa na ikaw ay UMEPAL sa isang eksena na hindi naman ikaw ang BIDA? Lumabas tuloy ang ugali mong KONTRABIDA na hindi nila alam na meron ka pala. Para lang yang isang bata na nadapa na at imbes na itayo ay pinagtawanan mo pa.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang istorya na hindi ko lubos maisip ang sobrang babaw ng pinagmulan. Dahil lamang ito sa insecurity na nararamdaman matapos ang hiwalayan na mababaw pa sa low tide sa aming bayan. Nagngingitngit sa galit na hindi maintindihan, panay PARINIG kung saan saan na kulang nalang ay ibroadcast sa buong bayan at higit sa lahat nakikialam sa ginagawa ng iba na wala naman SIYANG kinalaman.

Nakakalungkot isipin na ganito tayo kung minsan na dahil sa pinaniniwalaan ay kayang ipagpalit ang pag-kakaibigan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maririnig mo ang TAMA sa bawat isa, marahil hindi nya sasabihin ang lahat ng nalalaman nya upang sa maikling panahon ay MATAUHAN ka sa mga ginagawa mong hindi kaaya-aya.

Paano nga timbangin ang TAMA pero hindi dapat at ang MALI na nararapat? Parang ang hirap intindihin ngunit ito ang realidad na dapat nating harapin. Gagawin mo ang tama kahit may masaktan upang nasa matuwid ang iyong landas na ginagalawan at nilalakaran. At kung MAKIKIALAM ka man ay sa ikaaayos na lamang at higit sa ikakukumplikado pa ng mga bagay bagay. Dahil pagdating sa dulo ng walang hanggan ay baka ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit sila ay hindi magkaunawaan.

Maraming KABATAAN ang sa tingin ko ay nagiging bilango ng sariling kahinaan. Mawala ang syota, walang pangyosi at kung minsan ay tila mo lango sa impluwensya ng dilim na hindi MATALIKURAN. Ganyan na nga kaya ang kabataan sa ating panahon? Abay tila tayo nadin ang gumagawa ng hukay sa seminteryo na hindi pinaglilibingan ng karamihan, dahil mga halang ang kaluluwa ang dito ay mga nahihimlay.

Ang punto ko lamang ay maging obdyektibo sana tayo sa lahat ng bagay, sitwasyon at desisyon na ating PAKIKIALAMAN, timbanging patas kung ano ang tama at wag manghiram ng panimbang sa tinderang mandaraya. Dahil pag ito ay napagtagumpayan mo ay HAHANGAAN ka at sasaluduhan ng mga makakakita sayo, kahit pa sila ay hindi pulis o sundalo. Ang importatante ay pinairal mo ang pagiging mababa mo at hindi pinakita ang KABABAWAN ng kokote mo. Malay mo lahat ay magtatakip ng sumbrero kung nais man nilang MAKIALAM sa buhay mo, o ang pagtatangka na sirain ang mga PANGARAP mo.

0 comments:

Post a Comment