Sadya nga bang MALAS ang bilang na LABINTATLO? HUDAS kung tawagin nating mga Pilipino, ngunit ang basehan ay nagpasa-pasa lamang kung kani-kanino. Maraming tanong na gumugulo sa isip ko kung bakit tinawag na MALAS ang nasabing NUMERO. At sa ngayon ay balak kong ibahagi ang pananaw ko sa kung ano nga ba sa akin ang numero LABINTATLO.
Isang kwento ang narinig ko na NAKAPAGPABAGABAG sa isipan ko, at hindi ko alam kung papaano sumiksik sa kokote ko ay idealismo na pinagkaloob nito. Isang karumal dumal na pangyayari na hindi ko malaman kung pano ipaliliwanag, dahil sa isipan ko ay hindi rin malinaw ang mga naganap.
May isang lalaki ang nagpakalango sa DROGA, at akala niya ay maglalayo sa kanya sa tunay na problema. Ngunit ang hindi nya alam ay maglalapit pala sa kanya, sa kapahamakan na papasukin pa lamang niya. Animo’y may BUMULONG at NAGDIKTA ng isang utos, na walang tangging agad niyang sinunod.
Nagdilim ang kanyang mga mata at ang buong paligid, at ang tanging maliwanag lamang ay ang UTOS na sa kanya ay sinambit. Sa kusina sya ay dumiretso at kumuha ng mga kutsilyo, at walang habas na PINAGSASAKSAK ang mga inosenteng walang ALAM sa tunay niyang MUNDO. Isang magiting na ina ang sumaklolo dahil ang kanyang munting ANGHEL ay nasa peligro. Walang sinino ay taong yaon na walang sinusunod KUNDI ang matalinhagang BULONG. ”ISA, umabot hanggang tatlo. IKALAWA, marahil sumagad hanggang pito at IKATATLO tinapos sa pangLABINGTATLO.” At dito natapos ang bilang ng DIABLO.
Matapos ang pangyayari ay ako’y hindi mapakali sa lupit ng sinapit ng mga inosente, Nang ang DIABLO ay naghasik ng GALIT. Kinasangkapan ang isang lumilipad ang isip sa pamamagitan ng pagsanib sa drogang kanyang hinihitit. Pati yata ang NAGBALITA ay sinaniban din, Nang kanyang nilathala ay KAMUNDUHAN sa gitna ng pasakit. Tama bang bigyan ng kulay ang isang kahindik hindik na karanasan sa mga naririnig sa kung kani-kanino lang? Marahil kaya din sila napagsasamantalahan ay dahil sa ugali nilang minsan ay mapagbintang.
Kinakapos na yata ang mundo sa kampon ng LIWANAG, Bagkos ay dumadami ang lumalahok sa grupo ni SATANAS. Dumidilim ang liwanag na parang may bagyo at nagsisimulang sumikat ang araw sa ilalim ng MUNDO. Gumagawa ng lagusan para sa mga taong walang kapupuntahan kundi ang impyerno, at walang ibang landas kundi kay Satanas. Napaghahari nila ang KASAMAAN imbes na sumama sa pagkakalat ng KABUTIHAN, at pinaghahari ang mga masasamang kaisipan. Palagay ko tayo ang kawawa sa ating PAGLALAKBAY na mahaba, na kung PATATALO sa tukso ay tiyak ITATATAK sayo sa IMPYERNO ang numero LABINTATLO.
Maraming salamat sa isang kaibigan na ipinagkatiwala ang KABAITAN, sa pamamagitan ng mabuting pakikipag-ugnayan ay naisulat ang aking pananaw. Ang sa akin lang naman ay opinyon at hindi pakikialam sa kung SAAN man kayo nasisiyahan. Malay mo ikaw ay naliligaw, at pwede kitang ihatid sa TAMA at tuwid na kaisipan. Huwag nating hayaan na mangyari muli ito, at sundan ang daan patungo sa PAGBABAGO. Dahil kung magaganap muli ito marahil MAKAKASAMA mo ang mahilig bumulong na NAKABASE sa impyerno.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."
0 comments:
Post a Comment