►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009




Sa pagpasok ng bagong taon, tinig ng karamihan ang aking naririnig at PINUPULSUHAN. May kanya kanyang kahilingan at pinakakaasam, ngunit walang tatalo sa tinig ng taumbayan na PAGBABAGO ang maasam. Balik sa totoong buhay na ating nakasanayan at pilit pa ring nireremedyuhan.

May ilan lamang akong puna, dahil sa tingin ko ito ang dapat nating itama. Una, isantabi na ang “NOBODY” na ginawa ng National anthem ng karamihan sa Christmas party. Parang awa niyo na, di naman natin naiintindihan ang sinasabi nila kanta pa tayo ng KANTA. Tanungin mo ang mga BATA, ano ang ating PAMBANSANG awit? “BAYANG MAGILIW!!”. Sino ang kumanta ng “NOBODY”? tiyak tumpak ang kasagutan may kasama pang palakpak at hiyaw. Malamang sa ganito KABATAANG PILIPINO ang talo. Ikalawa, ang paghingi ng PAGBABAGO na sa iboboto mo IPASASALO. Mukang malabong usapan ang kanilang gusto, gusto ng PAGBABAGO ngunit sa sarili nila ay walang makitang PAGBABAGO.

Kumikitid na ata ang utak ng KARAMIHAN, nagpapadala na lamang sa sinasabi ng iilan. Binibigyang kahulugan ang gustong mangyari sa pamamagitan ng SALITA, at makita mo nalang mamaya ay NAKATUNGANGA. Pano darating ang PAGBABAGO na inaasam mo kung nagiging preso ka sa sarili mong mundo? Malulungkot ka nun sigurado dahil walang dadalaw sayo kundi multo na lamang ng SARILI mo, na walang ginawa kundi magtago sa LOOB mo sa kahihiyang dinudulot mo.

Meron nga pala akong kwento, ibibida ko sa inyo ang aking naranasan noon lamang nadaang mga araw. Sumakay ako sa taxi, nagpahatid ako sa destinasyong di kalayuan ngunit ginto ang bayaran. Hindi nako nagreklamo kay Suansing(Chair ng LTFRB)sa mga abusadong drayber na ayaw magsakay, kinontrata na lamang ang tsuper na sa tingin ko ay hindi kampon ng kadiliman . Tinanong ko si mamang tsuper, “Magkano ho ang kita nyo sa isang araw?” Nagulat ako sa sagot nya na “Sapat lamang upang makapagpaaral ang dalawang high school kong anak sa secondaryang paaralan”. Akoy talagang nagulat at napipi sa kanyang sambulat, naisip ko na lamang ang hirap na di ko nararanasan dahil maghapon niyang pinagpapaguran para lamang may maiuwing konti sa hapunan.

May isa pa kong napansin at minabuti na sa inyo ay sabihin. Mabuti pa ang gobyerno nangagalaga sa KALIKASAN dahil sa nabubulok na sistema na walang pinagbago mula ng sumikat tayo sa kurupsyon. Marami sanang pera ang PILIPINAS kaya lang sa itim ng budhi bumabagsak.

Bago matapos ang akda na ito ay nais kong itanong sa inyo kung para saan ang PAGBABAGO? Mukha kasing nasasawa nako sa paulit-ulit na pagsambit nito ng mga may AMBISYON na maluklok sa pwesto. Nauubos na ang pasensya ng karamihan at tila isang kandila na dulo na lamang ang natitira dahil napagod na para ilawan ang akala nya ay magtutuwid sa kanya. Isa lang ang hangad ko, ang umunlad ang baying ito na ang gumalaw ay lahat tayo at huwag iasa sa kung kani-kanino. Dahil tandaan mo na nasayo ang ikauulad mo at wala sa palad ng katabi mo.

1 comments:

Anonymous said...

tama! I agree. :D

Post a Comment