Bitin as much ang approach ni PNOY sa kanyang mga tinuran, hindi sa binabatikos ko sya pero bitin lang ako talaga. Napakageneral ng mga gusto nya at malimutan ang mas maliliit na problema na sa susunod ay tinik na sa panunungkulan nya.
Ang sector ng Agrikultura na naghihingalo na dahil sa hindi sapat na suporta ng gobyerno ay mukhang nawala sa hulog dahil di manlang nya napasaringan ng kanyang mga plano. Ang PAGASA na kinagalitan nya nung nakaraang linggo na magoobserba lagay ng ating panahon ay lalung malalagay sa alanganin dahil ang pondo ay bitin parin. Trabaho, trabaho, trabaho pano ka gagawin sa anim na taon nyang termino? Mukhang ang ekonomiya ay ipapaubaya nya sa NEDA at sa Economic Analyst nya.
Hindi nga sya nangako pero ang mga PILIPINO ay mangangapa sa kung ano ang magagawa, naninindigan para mawala ang korupsyon sa gobyerno pero ang ekonomiya at mga serbisyo ay mukhang despalinghado. Dismayado ako kasi nagsumbong lang sya sa taumbayan, dismayado ako kasi kulang at bitin ang mga nilalaman, dismayado ako dahil mukhang madilim pa ang sinasabi nyang tuwid na daan. Pano natin malalaman ang kanyang mga plano kung secret yata ang lahat ng ito, pero bilib ako sa naibibigay nyang inspirasyon sa mga tao para mangarap at tumanaw ng mas mataas. Nagagawa nyang magbigay ng inspirasyon sa Bayan na kulang nalang ay lumuha sa bigat ng mga dinadala at mga sakripisyo.
Eto na ang FINALE sa sinulat ko. Marami man ang nasabi nya o kakaunti, hindi masama kung tayo ay maghintay sa kanyang magagawa at hindi rin masama kung magrereklamo tayo sa mga sa tingin natin ay hindi tama. Nabubuhay tayo sa demokrasya na pinagkaloob ng kanyang Ina na may karapatan ang bawat isa. Wag sana nya sayangin ang pagkakataon at ang panahon dahil ang bawat araw, oras, minuto at Segundo na lumilipas ay bawat Pilipino ang nakasampa sa kanyang mga balikat. Kahit di sya ang may pagkukulang ay sa kanya parin mababato ang sisi ng hinaharap, kawawa kung tutuusin pero malakas kahit saan man dumating. Nasa kanya ang kapangyarihan at nasa kanya ang malaking responsibilidad, para ibangon ang BAYANG ito at muling bigyan ng dangal.
Paalala lang, hindi masamang umiyak kung ang dinadala mo ay mabigat. Ang lahat ng mabigat pag binitiwan ay gumagaan. Lahat ng magaan ay may timbang at sana ay pagtuunan ng pansin kahit mababa ay basa ng timbangan. Timbangan ang pinaglalagyan sa hustisyang kailangan ng bawat isa at ito ang kulang sa ating bayan na kailangang TUTUKAN. Tutukan sana ang isyu at kailangan ng BAYAN at wag unahin ang sariling KAPAKANAN. Kapakanan ng mga mamamayan ang punuan at hindi bulsa ng nakaupo sa PAMAHALAAN. Pamahalaan ang mangangasiwa sa kanyang nasasakupan para mapanatili ang KAPAYAPAAN. Kapayapaan ang susi sa tagumpay ng bayan tungo sa pagunlad ng bawat mamamayan at sa pagbibigay ng HANAPBUHAY. Hanapbuhay ang nais ng bawat isa para mabuhay ng disente sa makasaysayang bansa na payapa sana pagdating ng BUKAS. Bukas ay hindi ang kahapon na nagpapaalala ng mga maling gawa at paling na paniniwala, tayo ay hahakbang na patungo sa isang makabuluhang pamamahala(sana) at bubuhayin ang karapatan ng bawat isa na mabuhay ng matiwasay, payapa at malayo sa lahat ng gulo sa lipunan. Pilipino ang tutulong sa kapwa PILIPINO at magaangat sa BAWAT ISA na MULING TINGALAIN NG MUNDO!
Naaalala nyo ang mga kwento ni Lola Basyang nung bata pa tayo? Dinadala nya tayo sa isang dimension na kakaiba at puno ng hiwaga. Namamangha at natutulala sa mga pangako ng kasiyahan at hiwagang sa ibang dimension matatagpuan. Pero kanina tumigil ang mundo ng bawat Pilipino sa mundo, dahil nagpahayag na ng mga kanyang hangarin ang Pangulo.
Satisfied? Hmmmm, mahirap sagutin. Hanga ako sa tibay nya na labanan ang koruspyon. Pero nagkaamnesia yata sya at naligaw sa kanyang sinasabing tuwid na daan. Sinabi nya na magpapasa ng batas para sa Fiscal security ng bansa na magsisiguro sa pagkukunan ng pondo sa bawat proyekto. Maganda diba? Pero nasan ung freedom of expression bill at ung RH bill na sinusulong ng kanyang mga kapartido? Hmmmmm. Sabagay nagsisimula pa lamang sya, malay natin ay maihabol nya pagpasok ng ika – isangdaang araw nya.
Agree ako na gawan nya ng paraan ang ating Hukbong Sandatahan. Susmaryosep! Sa lawak at laki ng ating dagat at himpapawid ay ano nga ba ang magagawa ng mga lumang gamit para maprotektahan ang yaman ng bayan kung mas matanda pa kay McArthur ang mga kagamitan. Hindi remedy ang kailangan kundi modernisasyon sa kanilang hanay. Isa pa ay ang pagpapabilis ng pagpoproseso ng negosyo na tamang tama dahil mataas ang unemployed na kababayan natin na kung magiging self employed ay mababawasan ang unemployment rate kasabay ng paglaki ng kita ng bansa sa tax na kanilang ibabayad.
Nalula lang ko sa pagkwenta sa mga isiniwalat nyang mga halaga. Daig pa ang algebra at calculus dahil nag error ang calcu ko sa kakasolve sa nawalang pondo ng bansa. Nakakahinayang dahil tunay ang mga datos nya na alam na natin kung saan napunta ang budget na dapat sana ay para sa bawat isa. Nakakalungkot para sa mg amagbubukid dahil ang inaasahan nilang lupa at tinangay yata ng agos dahil di manlamang nahagip sa kanyang pananalita. Talo rin karaniwang manggagawa dahil sa kawalan ng direksyon hinggil sa pasahod at pagsasamantala ng contructualization sa kanila.
Sabi nga ni PNOY “Pwede na ulit mangarap”. Pwede naman mangarap noon pa kaya nga lang ay sadyang inaagaw ito ng mga sakim at mga ganid sa lipunan na dapat ibaon sa hukay. Mga salapi na para sa bayan sana ay napunta pa sa kanilang mga bulsa!
Pasadahan natin ang isa pang nakalimutan nya, ang KALIKASAN na ang buong mundo ay pinipilit na alagaan. Hindi maitatangi na malaki ang sira na n gating likas na yaman, kasabay ng pagdami ng populasyon na patuloy na umubos sa yaman ng inang kalikasan na hindi napapalitan o nabibigyang pansin sa lipunan.
Pagkatapos ng kanyang mga pahayag ay ano nga ba ang uunahin sa bawat salita na namutawi sa kanyang mga bibig? Ang aking hiling sana ay magising ang mga Senador at Kogresista na mag akda ng sapat na batas na may pangil at hindi bungi upang supulin ang mga tiwali.Effective Legislation kasi ang magpapatakbo sa bansa na ito para makamtam ang pagunlad na matagal na nating inaasam maging sa panaginip at hinagap.
Bilang isang karaniwang Pinoy, pano nga ba tayo magrereact sa mga tinuran ni PNOY? Bibilib? Nagtataka? O di satisfied sa mga tinuran nya? Unang taon pa lamang nya at nagpapasikat pa lang naman sya para sa mga programa na gagawin nya. Abangan nalang natin ang susunod na mga ihahain nya tsaka tayo humusga kung kasinungalingan ang lahat ng sinabi nya sa SONA!
It’s been 2 years exactly today when I woke up so early with my mom’s familiar serenade voice. “Ejay! Ejay! O bakit??” Nagtataka ako noon kung bakit ako gigisingng ing maaga e walang namang pasok. I asked my mom, “O Bakit?” She replied,”Si Kiko anak patay na.” Sa sobrang shock ko I was not even thinking kung naghilamos naba ako o ano ba ang itsura ko kung lalabas ako ng bahay papunta sa kanila. That sudden situation holds my breath for at least 3 minutes while my heart is continuously pumping negatively. Hindi ko na tinanong kung tototo ang balita o tsimis lang, agad ako tumakbo at pumunta sa bahay nila para alamin ang balita na sumira sa mga pangarap na binuo ng nakalipas.
I arrived sa bahay nila 7am, sad atmosphere collide in every individual in front of me. Naririnig ko ang pagtangis ng INA na hindi ko pa naririnig sa aking talambuhay. Sumasabog ang hinanakit sa bawat hininga at hagulgol at sinabayan pa ng pagluha ng kabiyak na walang magawa kundi patahanin ang halatang bagabag na supling. Sa isang di inaasahang pagkakataon ay isang sobrang higpit na yakap ang sumalubong sakin, sobrang bigat na hindi ko maipaliwanag at mahirap tumbasan ng salita lalu na sa harapan ng magulang na lumuluha.
Naramdaman ko na parang ipinagkait samin ang lahat sa mundo at parang wala ng pag asa na darating sa mga susunod na minuto.Lahat sila na nakikita ko ay wala sa sarili, balisa at may kinikimkim sa dibdib. Nais ko mang humagulgol ay hidi ko nagawa, pinigilan ang sarili para sila’y may paghugutan ng lakas. Sino pa ba ang tatayo at magbibigay ng lakas ng loob kundi ang pinakamatalik na kaibigan na nagdurusa na ang loob.Dahil wala pa siya sa kanila ay umuwi muna ako para magpalakas ng loob, at kahit papaano ay bumawi ng katatagan dahil medyo sasabog na ang dibdib ko noon sa lungkot.
Nang ako ay bumalik kinagabihan, ay nakita ko ang kanyang kalunos lunos na kalagayan.Sabi ko nga “Wala ng mangungulit uminom kahit may pasok kinabukasan, walang magpapatak ng tatlong piso sa inuman, wala ng magsasabi na kaya natin yan at wala na ang PINAKAMATALIK kong KAIBIGAN!” Sumuko man ang katawan nya sa tinamo na aksidente sa lansangan ay alam kong gusto ng puso nya na lumaban. Dahil siya ay isang ulirang ama, mabait na anak at isang tunay na KAIBIGAN sa mga nakakakilalang higit sa kanya!
Alam nyo ba na siya ang tao na di yata marunong malungkot at mahihiya ang problema sa tawa at pagsasaya na ginagawa nya. Magkasama kami mula sa kalokohan papunta sa eskwelahan at pag gawa ng mga kagaguhan. Sa kanya ko natutunan ang pagiging simple at makuntento sa buhay, naging daan siya para malaman ko ang suliranin kung papaano maging isang batang ama. Ipinakita nya sakin ang kulay ng mundo sa pamamagitan ng bisyo, naroon na butasan nya ang tenga ko at hikayatin na manigarilyo. At sabi ko pa nga “Sige pare ko, basta para sayo!” Sanggang dikit maging sa basketball at kahit maliit ay pag naargabyado ay babangasan ang mukha kahit higante ang sa kanya ay umargabyado. Larawan ng kamusmusan na nakikipagbuno na sa mga hamon ng buhay kahit na medyo naligaw ang landas ay hindi sinisisi ang Maykapal sa sinapit na kapalaran.
Natapos man ang lahat sa kaparehong araw sa taong kasalukuyan ay para sakin ikaw ay buhay. Mananatili na inspirasyon na kung saan man ako makarating ay aking baon, magbibigay ng kaisipan para hindi sumuko sa lahat ng hamon dahil ikaw ang nagturo para tawanan ang mga pasakit na lilipas at maglalaho. Kami man ay nangungulila ay sa isang banda kami ay masaya, dahil isa ka na sa mga kasama ng Panginoon nating ama. Kulang man kaming mga barkada mo, ay may isang upuan ka pa rin sa inuman natin at ika nga nila ay kahit nasa langit ay tutungga ka pa din.
Ito ay hindi para magpaalam, kundi pagpapasalamat at pagkilala sa mahalaga mong naitulong para kami ay mamulat. Isa ka mang malaking kawalan, pero higit kang malaking BIYAYA na dapat ipagpasalamat na kahit sa sandaling panahon ay naibahagi sa amin ng Diyos ang mensahe ng PAGKAKAIBIGAN na iyong PINAGKALOOB.
R.I.P Jose Francies “Kiko” Pineda – July 19, 2008.
LSS ako sa kantang “SHE” ng groove coverage na may lyrics na “She is the one that you never forget, she is the heaven scent angel you’ve met, oh she must be the reason why God made a girl, she is the story the story is she.” Sana tama ung lyrics ko . Sino sila? Para sakin ay sila ang mga nilalang na may malaking gampanin na kinakailangan ng lipunan na hidi makaikakaila na bawat isa ay nakatingala sa kanila.
Sila din madalas ang biktima ng karahasan at minamata ng lipunan, laman ng malalaswang pahayagan at laganap ang pag abuso sa kanilang mga karapatan na nagreresulta sa pagbaba ng kanilang moral. Larawan daw ng kahinaan at sa diskriminasyon ay suki ngunit astig sa makabagong pananaw. Ngunit sa lahat ng mga unos sa kanilang buhay ay sila ay nakatayo padin at LUMALABAN! Nagbibigay ng inspirasyon sa karamihan dahil kanilang pinapatunayan sa lipunan na sila ay may kabuluhan, at ang kahulugan ng buhay ay ipinapasa sa susunod na henerasyon na magdadala sa kanila sa tuwid at malinis na landas ng kayang harapin ang bawat hamon at emosyon.
Sila rin ang gabay at ILAW ng tahanan at minsan ay haligi narin sa pagkawala ng makakatuwang sa hanapbuhay para itaguyod ang pamilya na umaasa sa kanya. May makakahigit pa kaya sa pagmamahal ng isang ina? sa paglalambing ng nobya na kahit may dala na sa sinapupunan ay inaalagaan ka? At ang babaeng paslit na nangungulit sa konting oras para maglaro at ngumiti sa musmos na mundo? Aba mag-isip tayo lalu ka na LALAKI ka, kasi baka sumosobra ka na sa pagtrato ng hindi maganda!
Kaya ko naisulat ito ay para bumawi at magbigay ng galang, dahil ako man ay maraming pagkukulang na dapat pagbayaran na di ko tinatanggi sa kahit sino pa man. Naging mayabang kasi ako noon sa aking mga kakayahan at sa kanila ay naging mailap dahil sa sakit na dinulot sa aking puso at isipan. Hindi lamang paghingi ng tawad kundi lubos din na pagkilala sa kanilang kontribusyon na kanilang ginagampanan. Naisip ko na kawawa ako kung wala kayo, sino kaya ang magpapangiti sa AMA na kailangan ng kalinga at sino ang gagabay sa bagong henerasyon na ngayon pa lamang nagsisimula.
Para naman sa mga kalalakihan sa tabi tabi na walang ginawa kundi abusuhin ang kanilang karapatan. Humanda na kayo dahil may karma na dadalaw sa inyo, at maging sa panaginip ay dadalawin kayo. At kung di kayo magbabago ay walang humpay ang kalbaryo na dadaanan nyo na pwedeng sumingil pati sa buhay natitirang oras nyo sa mundong ito.
Nakita kita at nalaman ang mga kakahayan, nagkausap at nagsabihan ng problema kahit medyo may kalayuan. Pero para sakin ay di parin lumalabas ang tunay na ikaw na tunay na haharap sa mga hamon ng buhay. Malayo ka pa nga sa finish line kung tutuusin ay sumusuko ka na at tumitigil na sa mga hamon na may mga nakatagong hiwaga, at nais mong maging masaya na tila walang problema na dala dala.
Tandaan mo na ang pangarap ay hindi mag-isang tinutupad, parang kalsada na wala kang kasabay na dumaan at parang ibon na kulang ang pakpak para lumipad at tumaas. Mas maraming kasama at nakikilala ay pasarap ng pasarap pero kung kalsada ay napupuno pag traffic so pano na diba? I mean, gawing balance kasi anu mang kulang at masama ay HINDI TAMA!
Naglahad kadin ng mga kagustuhan na puro halos sa pagibig nakasentro ang mga nilalaman. Medyo nalitang ang isip ko sa kakaisip ng ipapayo kasi kakaiba minsan ang trip mo. Perpekto yata ang term na bagay sa hinahanap mo, pero paumanhin binibini walang ganyan sa States o sabihin na nating di sya nageexist. Kasi kung perpekto ang hinahanap mo ay simula nung bata hanggang magkaisip ako ay walang banal na tao na nagparamdam sakin na sya ay perpekto. Ayaw ko lang na magexpect ka sa isang kaisipan na hindi maganda sa paningin ng bawat isa, matuto tayong tumangap ng kahinaan at maging bukas sa suliranin at pagkakaunawaan.Kung un kasi ang hanap mo ay tiyak di sya matututo, walang lugar sa pagkakamali at walang puwang ang mga mangmang sa paligid.
Pag-ibig ang nakikita kong kahinaan mo na tiyak magpapabagsak sa mga pangarap mo. May mga bagay kasi na dapat sineseryoso at may mga bagay din na dapat pansinin. At kung magulang mo na ang problema ay matuto ka sana na tumangap ng galit at serimonyas nila. Para din naman sayo ang sinasabi nila at ayaw lang nila na mapahamak ang anghel na pahiram sa kanila. Ginagabayan lang nila tayo sa kung ano ang dapat at kung ano ang tama para kasunod nila tayo sa tama na landas na kanilang tinatahak. Magsilbi din sana silang simbolo para sa ikatatagumpay mo at wag nating sirain ang tiwala na satin ay ipinagkatiwala at ibinigay ng buong buo.
Alam ko na may kakaiba sa mga babae na tulad mo pero isa lang ang masasabi ko na tumatak sa isip ko, natutuwa ako sa tuwing magkausap tayo at nagsusumbong na parang bata na kulang nalang ay humagulgol. Nais ko sanang malaman mo na nasa likod mo lang ako at kahit madalas na nalilimutan o maalala manlang ako ay di naman ako magbabago pagdating sayo. Dahil isa ako sa mga nakapaligid sayo na naghahangad ng kaligayanahan mo at isa sa mga masaya kapag nakikita kang walang problema na pabigat sa mundo na ginagalawan mo. Tandaan mo sana na walang imposible basta mangangarap, walang mahirap basta magtatyaga at walang gusot na hindi naaayos sa taong marunong MAKINIG at marunong SUMUNOD.
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."