Bitin as much ang approach ni PNOY sa kanyang mga tinuran, hindi sa binabatikos ko sya pero bitin lang ako talaga. Napakageneral ng mga gusto nya at malimutan ang mas maliliit na problema na sa susunod ay tinik na sa panunungkulan nya.
Ang sector ng Agrikultura na naghihingalo na dahil sa hindi sapat na suporta ng gobyerno ay mukhang nawala sa hulog dahil di manlang nya napasaringan ng kanyang mga plano. Ang PAGASA na kinagalitan nya nung nakaraang linggo na magoobserba lagay ng ating panahon ay lalung malalagay sa alanganin dahil ang pondo ay bitin parin. Trabaho, trabaho, trabaho pano ka gagawin sa anim na taon nyang termino? Mukhang ang ekonomiya ay ipapaubaya nya sa NEDA at sa Economic Analyst nya.
Hindi nga sya nangako pero ang mga PILIPINO ay mangangapa sa kung ano ang magagawa, naninindigan para mawala ang korupsyon sa gobyerno pero ang ekonomiya at mga serbisyo ay mukhang despalinghado. Dismayado ako kasi nagsumbong lang sya sa taumbayan, dismayado ako kasi kulang at bitin ang mga nilalaman, dismayado ako dahil mukhang madilim pa ang sinasabi nyang tuwid na daan. Pano natin malalaman ang kanyang mga plano kung secret yata ang lahat ng ito, pero bilib ako sa naibibigay nyang inspirasyon sa mga tao para mangarap at tumanaw ng mas mataas. Nagagawa nyang magbigay ng inspirasyon sa Bayan na kulang nalang ay lumuha sa bigat ng mga dinadala at mga sakripisyo.
Eto na ang FINALE sa sinulat ko. Marami man ang nasabi nya o kakaunti, hindi masama kung tayo ay maghintay sa kanyang magagawa at hindi rin masama kung magrereklamo tayo sa mga sa tingin natin ay hindi tama. Nabubuhay tayo sa demokrasya na pinagkaloob ng kanyang Ina na may karapatan ang bawat isa. Wag sana nya sayangin ang pagkakataon at ang panahon dahil ang bawat araw, oras, minuto at Segundo na lumilipas ay bawat Pilipino ang nakasampa sa kanyang mga balikat. Kahit di sya ang may pagkukulang ay sa kanya parin mababato ang sisi ng hinaharap, kawawa kung tutuusin pero malakas kahit saan man dumating. Nasa kanya ang kapangyarihan at nasa kanya ang malaking responsibilidad, para ibangon ang BAYANG ito at muling bigyan ng dangal.
Paalala lang, hindi masamang umiyak kung ang dinadala mo ay mabigat. Ang lahat ng mabigat pag binitiwan ay gumagaan. Lahat ng magaan ay may timbang at sana ay pagtuunan ng pansin kahit mababa ay basa ng timbangan. Timbangan ang pinaglalagyan sa hustisyang kailangan ng bawat isa at ito ang kulang sa ating bayan na kailangang TUTUKAN. Tutukan sana ang isyu at kailangan ng BAYAN at wag unahin ang sariling KAPAKANAN. Kapakanan ng mga mamamayan ang punuan at hindi bulsa ng nakaupo sa PAMAHALAAN. Pamahalaan ang mangangasiwa sa kanyang nasasakupan para mapanatili ang KAPAYAPAAN. Kapayapaan ang susi sa tagumpay ng bayan tungo sa pagunlad ng bawat mamamayan at sa pagbibigay ng HANAPBUHAY. Hanapbuhay ang nais ng bawat isa para mabuhay ng disente sa makasaysayang bansa na payapa sana pagdating ng BUKAS. Bukas ay hindi ang kahapon na nagpapaalala ng mga maling gawa at paling na paniniwala, tayo ay hahakbang na patungo sa isang makabuluhang pamamahala(sana) at bubuhayin ang karapatan ng bawat isa na mabuhay ng matiwasay, payapa at malayo sa lahat ng gulo sa lipunan. Pilipino ang tutulong sa kapwa PILIPINO at magaangat sa BAWAT ISA na MULING TINGALAIN NG MUNDO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."
0 comments:
Post a Comment