►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009

Thursday, July 15, 2010

Hindi lamang sila “BABAE”



LSS ako sa kantang “SHE” ng groove coverage na may lyrics na “She is the one that you never forget, she is the heaven scent angel you’ve met, oh she must be the reason why God made a girl, she is the story the story is she.” Sana tama ung lyrics ko . Sino sila? Para sakin ay sila ang mga nilalang na may malaking gampanin na kinakailangan ng lipunan na hidi makaikakaila na bawat isa ay nakatingala sa kanila.

Sila din madalas ang biktima ng karahasan at minamata ng lipunan, laman ng malalaswang pahayagan at laganap ang pag abuso sa kanilang mga karapatan na nagreresulta sa pagbaba ng kanilang moral. Larawan daw ng kahinaan at sa diskriminasyon ay suki ngunit astig sa makabagong pananaw. Ngunit sa lahat ng mga unos sa kanilang buhay ay sila ay nakatayo padin at LUMALABAN! Nagbibigay ng inspirasyon sa karamihan dahil kanilang pinapatunayan sa lipunan na sila ay may kabuluhan, at ang kahulugan ng buhay ay ipinapasa sa susunod na henerasyon na magdadala sa kanila sa tuwid at malinis na landas ng kayang harapin ang bawat hamon at emosyon.

Sila rin ang gabay at ILAW ng tahanan at minsan ay haligi narin sa pagkawala ng makakatuwang sa hanapbuhay para itaguyod ang pamilya na umaasa sa kanya. May makakahigit pa kaya sa pagmamahal ng isang ina? sa paglalambing ng nobya na kahit may dala na sa sinapupunan ay inaalagaan ka? At ang babaeng paslit na nangungulit sa konting oras para maglaro at ngumiti sa musmos na mundo? Aba mag-isip tayo lalu ka na LALAKI ka, kasi baka sumosobra ka na sa pagtrato ng hindi maganda!

Kaya ko naisulat ito ay para bumawi at magbigay ng galang, dahil ako man ay maraming pagkukulang na dapat pagbayaran na di ko tinatanggi sa kahit sino pa man. Naging mayabang kasi ako noon sa aking mga kakayahan at sa kanila ay naging mailap dahil sa sakit na dinulot sa aking puso at isipan. Hindi lamang paghingi ng tawad kundi lubos din na pagkilala sa kanilang kontribusyon na kanilang ginagampanan. Naisip ko na kawawa ako kung wala kayo, sino kaya ang magpapangiti sa AMA na kailangan ng kalinga at sino ang gagabay sa bagong henerasyon na ngayon pa lamang nagsisimula.

Para naman sa mga kalalakihan sa tabi tabi na walang ginawa kundi abusuhin ang kanilang karapatan. Humanda na kayo dahil may karma na dadalaw sa inyo, at maging sa panaginip ay dadalawin kayo. At kung di kayo magbabago ay walang humpay ang kalbaryo na dadaanan nyo na pwedeng sumingil pati sa buhay natitirang oras nyo sa mundong ito. 

0 comments:

Post a Comment