►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009



Naaalala nyo ang mga kwento ni Lola Basyang nung bata pa tayo? Dinadala nya tayo sa isang dimension na kakaiba at puno ng hiwaga. Namamangha at natutulala sa mga pangako ng kasiyahan at hiwagang sa ibang dimension matatagpuan. Pero kanina tumigil ang mundo ng bawat Pilipino sa mundo, dahil nagpahayag na ng mga kanyang hangarin ang Pangulo.

Satisfied? Hmmmm, mahirap sagutin. Hanga ako sa tibay nya na labanan ang koruspyon. Pero nagkaamnesia yata sya at naligaw sa kanyang sinasabing tuwid na daan. Sinabi nya na magpapasa ng batas para sa Fiscal security ng bansa na magsisiguro sa pagkukunan ng pondo sa bawat proyekto. Maganda diba? Pero nasan ung freedom of expression bill at ung RH bill na sinusulong ng kanyang mga kapartido? Hmmmmm. Sabagay nagsisimula pa lamang sya, malay natin ay maihabol nya pagpasok ng ika – isangdaang araw nya.

Agree ako na gawan nya ng paraan ang ating Hukbong Sandatahan. Susmaryosep! Sa lawak at laki ng ating dagat at himpapawid ay ano nga ba ang magagawa ng mga lumang gamit para maprotektahan ang yaman ng bayan kung mas matanda pa kay McArthur ang mga kagamitan. Hindi remedy ang kailangan kundi modernisasyon sa kanilang hanay. Isa pa ay ang pagpapabilis ng pagpoproseso ng negosyo na tamang tama dahil mataas ang unemployed na kababayan natin na kung magiging self employed ay mababawasan ang unemployment rate kasabay ng paglaki ng kita ng bansa sa tax na kanilang ibabayad.

Nalula lang ko sa pagkwenta sa mga isiniwalat nyang mga halaga. Daig pa ang algebra at calculus dahil nag error ang calcu ko sa kakasolve sa nawalang pondo ng bansa. Nakakahinayang dahil tunay ang mga datos nya na alam na natin kung saan napunta ang budget na dapat sana ay para sa bawat isa. Nakakalungkot para sa mg amagbubukid dahil ang inaasahan nilang lupa at tinangay yata ng agos dahil di manlamang nahagip sa kanyang pananalita. Talo rin karaniwang manggagawa dahil sa kawalan ng direksyon hinggil sa pasahod at pagsasamantala ng contructualization sa kanila.

Sabi nga ni PNOY “Pwede na ulit mangarap”. Pwede naman mangarap noon pa kaya nga lang ay sadyang inaagaw ito ng mga sakim at mga ganid sa lipunan na dapat ibaon sa hukay. Mga salapi na para sa bayan sana ay napunta pa sa kanilang mga bulsa!

Pasadahan natin ang isa pang nakalimutan nya, ang KALIKASAN na ang buong mundo ay pinipilit na alagaan. Hindi maitatangi na malaki ang sira na n gating likas na yaman, kasabay ng pagdami ng populasyon na patuloy na umubos sa yaman ng inang kalikasan na hindi napapalitan o nabibigyang pansin sa lipunan.

Pagkatapos ng kanyang mga pahayag ay ano nga ba ang uunahin sa bawat salita na namutawi sa kanyang mga bibig? Ang aking hiling sana ay magising ang mga Senador at Kogresista na mag akda ng sapat na batas na may pangil at hindi bungi upang supulin ang mga tiwali.Effective Legislation kasi ang magpapatakbo sa bansa na ito para makamtam ang pagunlad na matagal na nating inaasam maging sa panaginip at hinagap.

Bilang isang karaniwang Pinoy, pano nga ba tayo magrereact sa mga tinuran ni PNOY? Bibilib? Nagtataka? O di satisfied sa mga tinuran nya? Unang taon pa lamang nya at nagpapasikat pa lang naman sya para sa mga programa na gagawin nya. Abangan nalang natin ang susunod na mga ihahain nya tsaka tayo humusga kung kasinungalingan ang lahat ng sinabi nya sa SONA!

0 comments:

Post a Comment