It’s been 2 years exactly today when I woke up so early with my mom’s familiar serenade voice. “Ejay! Ejay! O bakit??” Nagtataka ako noon kung bakit ako gigisingng ing maaga e walang namang pasok. I asked my mom, “O Bakit?” She replied,”Si Kiko anak patay na.” Sa sobrang shock ko I was not even thinking kung naghilamos naba ako o ano ba ang itsura ko kung lalabas ako ng bahay papunta sa kanila. That sudden situation holds my breath for at least 3 minutes while my heart is continuously pumping negatively. Hindi ko na tinanong kung tototo ang balita o tsimis lang, agad ako tumakbo at pumunta sa bahay nila para alamin ang balita na sumira sa mga pangarap na binuo ng nakalipas.
I arrived sa bahay nila 7am, sad atmosphere collide in every individual in front of me. Naririnig ko ang pagtangis ng INA na hindi ko pa naririnig sa aking talambuhay. Sumasabog ang hinanakit sa bawat hininga at hagulgol at sinabayan pa ng pagluha ng kabiyak na walang magawa kundi patahanin ang halatang bagabag na supling. Sa isang di inaasahang pagkakataon ay isang sobrang higpit na yakap ang sumalubong sakin, sobrang bigat na hindi ko maipaliwanag at mahirap tumbasan ng salita lalu na sa harapan ng magulang na lumuluha.
Naramdaman ko na parang ipinagkait samin ang lahat sa mundo at parang wala ng pag asa na darating sa mga susunod na minuto.Lahat sila na nakikita ko ay wala sa sarili, balisa at may kinikimkim sa dibdib. Nais ko mang humagulgol ay hidi ko nagawa, pinigilan ang sarili para sila’y may paghugutan ng lakas. Sino pa ba ang tatayo at magbibigay ng lakas ng loob kundi ang pinakamatalik na kaibigan na nagdurusa na ang loob.Dahil wala pa siya sa kanila ay umuwi muna ako para magpalakas ng loob, at kahit papaano ay bumawi ng katatagan dahil medyo sasabog na ang dibdib ko noon sa lungkot.
Nang ako ay bumalik kinagabihan, ay nakita ko ang kanyang kalunos lunos na kalagayan.Sabi ko nga “Wala ng mangungulit uminom kahit may pasok kinabukasan, walang magpapatak ng tatlong piso sa inuman, wala ng magsasabi na kaya natin yan at wala na ang PINAKAMATALIK kong KAIBIGAN!” Sumuko man ang katawan nya sa tinamo na aksidente sa lansangan ay alam kong gusto ng puso nya na lumaban. Dahil siya ay isang ulirang ama, mabait na anak at isang tunay na KAIBIGAN sa mga nakakakilalang higit sa kanya!
Alam nyo ba na siya ang tao na di yata marunong malungkot at mahihiya ang problema sa tawa at pagsasaya na ginagawa nya. Magkasama kami mula sa kalokohan papunta sa eskwelahan at pag gawa ng mga kagaguhan. Sa kanya ko natutunan ang pagiging simple at makuntento sa buhay, naging daan siya para malaman ko ang suliranin kung papaano maging isang batang ama. Ipinakita nya sakin ang kulay ng mundo sa pamamagitan ng bisyo, naroon na butasan nya ang tenga ko at hikayatin na manigarilyo. At sabi ko pa nga “Sige pare ko, basta para sayo!” Sanggang dikit maging sa basketball at kahit maliit ay pag naargabyado ay babangasan ang mukha kahit higante ang sa kanya ay umargabyado. Larawan ng kamusmusan na nakikipagbuno na sa mga hamon ng buhay kahit na medyo naligaw ang landas ay hindi sinisisi ang Maykapal sa sinapit na kapalaran.
Natapos man ang lahat sa kaparehong araw sa taong kasalukuyan ay para sakin ikaw ay buhay. Mananatili na inspirasyon na kung saan man ako makarating ay aking baon, magbibigay ng kaisipan para hindi sumuko sa lahat ng hamon dahil ikaw ang nagturo para tawanan ang mga pasakit na lilipas at maglalaho. Kami man ay nangungulila ay sa isang banda kami ay masaya, dahil isa ka na sa mga kasama ng Panginoon nating ama. Kulang man kaming mga barkada mo, ay may isang upuan ka pa rin sa inuman natin at ika nga nila ay kahit nasa langit ay tutungga ka pa din.
Ito ay hindi para magpaalam, kundi pagpapasalamat at pagkilala sa mahalaga mong naitulong para kami ay mamulat. Isa ka mang malaking kawalan, pero higit kang malaking BIYAYA na dapat ipagpasalamat na kahit sa sandaling panahon ay naibahagi sa amin ng Diyos ang mensahe ng PAGKAKAIBIGAN na iyong PINAGKALOOB.
R.I.P Jose Francies “Kiko” Pineda – July 19, 2008.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."
1 comments:
aww.. ang ganda ng note mu na toh.. may naaalala din tuloy ako :(
Post a Comment