Bagong administrasyon, bagong pamamahala, mga bagong mukha at mga bagong panata. Iyan ang mukha ng ating bansa na ipinakikita ng bawat isang Pilipino na naghahangad ng pagbabago. Nagtatanong at nagtataka kung pano magsisimula sa pamamagitan ng panibagong ideya at mga makabagong istratehiya na makakatulong sa Bayang Ina.
Kung marami ngang naiwang problema sa ating bayan ay sya rin namang mamanahin ng susunod na maglilingkuran. Para lamang yang kaldero na pag sinalang mo sa kahoy ay mauulingan at kahit urungan ay may matitira paring mga mantsa ng nakaraan. Maging sa pag-ibig man ay ganyan, minsan kang nasugatan at ang tiwala’y lumipas sa pagdating ng bukas ay hindi mahirap na hanapan ng butas.At tayo man nung ginawa ng Dyos ay may mga mga kasama at hindi nasimula from zero at sa haka haka.
Mababaw kung tutuusin pero malalim ang ugat na nakatali sa ating mga bisig, sanay tayo sa karaniwang sistema at kahit na sabihin natin na pagbabago ay andyan na ay hindi parin maiiwasan ang problema. Kapag ba maliligo ko ay laging ulo ang binabasa mo sa unang buhos na tabo? Di ba minsan ay inuuna mo muna ang putik sa iyong paa o ang langis sa iyong mukha tsaka ka palang babalik sa ulo para matapos na ang ritwal sa umaga. Sa totoo lang ay ayoko talaga ng lumang sistema lalu na sa pulitika, pero ang iba na naiwan sa kung saan ay walang habas parin ang gampanin sa mga nakakasulasok na mga bagay.
Hindi ko sinasabi na mali ang magsimula sa una o kaya naman ay hindi maganda na yakapin ang bagong simula. Kasi kahit hindi natin tignan ng mabuti ay meron parin namang magaganda sa nakaraan na mahirap baliwalaain at talikuran ng basta basta. Kailangan planuhin ang mga bagay bagay bago ituring na walang kwenta o di na kailangan, kasi kung hindi nga tayo lilingon sa pinanggalingan ay wala daw tayong paroroonan. Pero, kung makakabuti ang mga panibagong gawa na sa tingin natin ay TAMA e di ituloy na natin ang mga dapat asikasuhin bago pa lumipas ang panahon na sa isang iglap ay wala na sa mga kamay natin.
Marami ang nagtaas ang kilay sa aking opinyon, marami ang nagtatanong, marami din ang gustong malinawan sa aking binitiwang pahayag. Eto po ang masasabi ko. Mayroon kasing mga bagay sa mundo na dapat manatili,gaya ng araw na nagbibigay ng init, ang ulan na nagbibigay ng tubig at hangin na nagbibigay daan para tayo ay manatiling buhay at humihinga parati. Parang isang kandila na pag nasindihan ay nauubos at pag nalusaw at dapat tunawin muli para magamit at magbigay ilaw muli. Isang kaisipan na mababaw pero malalim ang pinag-ugatan, na sa aking sarili ay bumibihag kasabay ng panaginip ko sa tuwing dadako sa gabi at matutulog. Nakakulong sa selda ng kaisipan ang ideya ng iba na ayaw pakawalan dahil naipit na sa sistema. Magising sana ang bawat isa kung gusto nating mapaunlad ang sarili kasama ng BAYAN na mayaman sa kasaysayan at uhaw sa tunay na KATOTOHANAN!
Kilala nyo ba ko? Kung oo pano nyo nasabi? Di basabi nila, “Tell me who your friends are and i will tell you who you are”. If i not mistaken ito un. Pero isa lang aspeto ng buhay ang barkada at malaking parte ng pagkatao mo ay ang mga magulang na nagpalaki sayo lalu na ang TATAY mo.
Haligi ng tahanan sa matandang katawagan, nagbabanat ng buto para buhayin ang pamilya at may matayog na pangarap sa pagdating ng bawat bukas. Kalokohan ang hindi pag amin sa tunay na nararamdaman kahit di naipapakita ay alam natin na iyan ay nandyan lang, isang magandang halimbawa dahil ngayon ay araw ng mga AMA.
Ang Tatay ko ay matipid. Ayaw gumasta ng basta basta sa sarili nya pero pag sa aming magkapatid ay sobra sobra kung maglabas ng pera. Walang trabaho na inuurungan, walang responsibilidad na tinatalikuran at higit sa lahat ay idolo sa paningin ng sumulat nito dahil sa walang sawa na pag agapay mula ng ako ay isilang hanggang sa kasalukuyan.
Daig pa ng Mama na to si Superman sa totong buhay, isa syang Tubero, Electrician, Tindero at Businessman. Di lang yan, sa gabi ay Chef pa yan at namamalengke kasabay ng paghihilik ng karamihan. Seryoso sa pagtatrabaho pero kahit pagod ay wala kang maririnig na reklamo at kahit santambak pa ang kalokohan mo ay sasakyan kapa nito pra di mabasag ang trip mo.
Hindi man nakatapos ng Elementarya ay daig naman ang mga nasa opisina, dahil sya mismo ang tumutuklas sa mga karunungan na karaniwan ay nagsisimula sa paaralan. Sabi nga nya “Ako, di nakapag-aral pero nagsipag ako at walang tinatangihang trabaho”. Doon ako nagkaroon ng lakas para magpatuloy sa hamon ng buhay dahil kung hirap lang ang pagbabasehan ay Beterano ng maituturing ang TATAY ko dyan. Sya ang dahilan kung bakit malawak ang aking isipan, dahil sa kanyang mga naituro para ako ay tumayo at sa kanyang suporta para ako ay magpatuloy at wag yumuko.
Masasabi ko na the best ang tatay ko, isang ulira at mapagkakatiwalaang tao na pag tinignan mo ay seryoso. Siya ung tipo na hindi magpapauli pag hinamon mo, at bumabanat ng malupit na katwiran at gusto pang akoy ipasok sa hukuman.
Di nga matatapos ang Pagiging TATAY sa pagiging ama ng tahanan at magtrabaho para sa ikabubuhay ng pamilya. Ito rin ay parang gwardya na nakabantay 24 oras, parang doktor na nakamonitor sa bawat pintig ng puso at Arkitekto na gumuguhit ng Bluepringt ng buhay ng bawat pamilya, lalu na at para sa anak upang di danasin ang hirap. Kaya di natatapos ang aking pasasalamat sa lahat ng nagawa ng aking AMA, simula sa unang pagmulat ng aking mga mata papunta sa pagpasok ko sa eskwela hanggang sa kung saan pa man ako papunta.
Kaya ikaw, magpasalamat ka sa kanya hanggang nandyan pa sya. Dahil di tayo sigurado sa panahon at maaaring mangyari, iparamdam mo ang tunay na pagmamahal bilang sukli sa mga pawis na idinilig nya sa lupa para itaguyod ka. Magpasalamat at huwag mahiyang humingi ng tawad sa mga pagkukulang, tao din naman sila na naghahanap ng pagmamahal at nangangailangan ng kalinga. Na kung manggagaling pa sa anak ay walang kapalit na luho o kung ano mang artipisyal na saya. Kaya saludo ako sa aking TATAY at sa lahat ng mga AMA na di nagsasawa para gumabay at mag-aruga sa bawat isa!
Cheers for our Dad’s. :)
Sa pag-gising sa umaga ay wala nakong iniintindi. May kakainin, may perang babaunin at walang dapat isipin kundi ang panibagong araw na parating. Maswerte nga akong maituturing dahil di ko pa halos nararamdaman ang tunay na problema ng lipunan pagdating sa loob ng aming tahanan.
Ung mga nakikita natin sa TV na nagugutom, Namamalimos, Naglalako ng bulaklak ay pawang totoo, at hindi iilan ang nagsasakripisyo para labanan ang hirap na pasan pasan sa araw araw na nagiging mitsa ng kanilang kalungkutan. Halos di nila alam ang gagawin para pagkasyahin ang maghapong kita sa lumalaking pamilya at tumataas na halaga ng mga bagay na nakikita ng mga mata. Kung ikaw ay nagiisip at nagtatampo sa mga magulang mo, kung bakit ayaw kang ibili ng laptop, psp at ipod ay isipin mo ang iba na ni damit ay wala at ang sikmura ay nagwawala. Iniisip ang bukas kung walang isasaing, kung uulan ay kung ano ang ipapantatabing at pano ang hinaharap kung walang diploma na masasalat? Di naman ako nangongonsensya, sinasabi ko lang ito para mamulat ka, kasi wala kana sa mundo na mga bata lang ang naglalaro at mga poste na lamang ang nakatayo.
Paulit ulit akong nagpapasalamat dahil isinilang ako sa mundo na hindi salat. At sa ngayon kung problema lang ang paguusapan ay mga magulang pa natin ang nagdadala nyan. At wag ka, dahil hindi mo mapipigilan ang panahon na pasapitin tayo sa ganyang sitwasyon.
Sasalubungin ba natin ang bukas na walang kasiguraduhan? O mananatiling mangmang sa mabilis na pagbabago ng lipunang ginagalawan? Sabi nga sa wikang Ingles "There is nothing permanent except change." But even change is not permanent diba? So why practice? Anu daw? :)
Sayang ang utak kung di gagamitn at pagyayamanin. Paano mo nga ba haharapin ang mga suliraning darating? Sa tingin ko ay simulan mo sa pagdarasal at tapusin sa pamamagitan ng pagiging masipag at walang alinlangan. Dahil sa mundo na ito ay walang bago, kung hindi mo yayakapin ang landas na tutunguhan ng isip mo.
Nasubukan mo na bang kumain ng Madami pero gutom ka pa rin? E ung tipong gutom kana pero wala ka namang kakainin? nakakainis no? Nararanasan ko to at alam kong kayo din ay di nalalayo sa kalagayan ko.
Pasukan na naman, ang iba ang ready na sa pagtapak sa silid aralan at armado ng mga bagong mga kagamitan. Halos di makatulog sa kakaisip at naiinip na sa paparating na bagong umaga. Pero hindi lahat ng bata ay ganyan ang nararamdaman, ang iba ay hindi makatulog dahil walang pambaon at walang gamit na mailalabas para mapayabong ang sarili sa pamamagitan ng edukasyon. Ang mas masaklap ay ang iba na di makakapasok dahil sa kulang sa prayoridad ang mga magulang para sila ay bigyan ng magandang edukasyonl. Di ba dapat LAHAT ng BATA ay makapag-aral? Kumpleto ang gamit? May mga bagong damit? Ang nakakalungkot na sagot ay isang malaking "HINDI".
Ang tao nga naman, may walaaaaaang katapusang kagustuhan. Ipagkaila man ng bawat isa ay mahirap paniwalaan at tyak hahaba ang ilong kapag mali ang tinuran. Sino ba naman ang ayaw ng Kaginhawahan? ito na nga ang inaasam ng bawat isa na kadalasan ay nauuwi sa Kasakiman at Pagiging makasarili sa lipunang ginagalawan.
Pag naiisip ko ang nakaraan ay maraming tanong akong nais bigyan ng kasagutan. Pano nga ba kung hindi namatay si "Ninoy"? Ano kaya ang mangyayari kung nakatakas at hindi nabaril si Rizal? Paano nga kaya? May sagot ba? Hindi kasi nangyari kaya wala.
Marami ngang nangyayari na sadyang mailap sa bawat isa. Na sa hinaba haba ng paghihintay ay mauuwi lang pala sa wala. Pero sabi ko nga sa sarili ko "Ang lahat ay may dahilan, depende yan kung gugustuin mo at mananalig ka sa kakayahan mo". At kahit ayaw mo ang mga nangyayari sa paligid mo ay sa tingin mo ba ay ang lahat ay kapareho ng nararamdaman mo? Mangyari man o hindi ang mga inaasam natin sa buhay ay hindi ito dahilan para mawalan ng tiwala sa sarili at sampalataya sa Maykapal. Dahil ikaw sa sarili mo ang magdadala sayo sa tagumpay at kasama mo ang Maykapal para ikaw ay gabayan patungo sa tuwid na daan. At tandaan: May mga pangarap na kahit di naplano ng husto ay NATUTUPAD at NAGKAKATOTOO :)
After natin masaksihan ang kasaysayan na ating pinagsaluhan, ngayon tayo ay nakapaloob sa isang lipunan na dapat makiaalam. Matapos ba nating ipahayag ang ating boses sa nakaraang halalan ay tayo ay mananahimik nalang? Dapat pa nga tayong maging mapag matyag dahil maaaring sa isang iglap ay kainin tayo ng sistema na ang makikinabang ay SILA!
Marami akong Akala sa buhay na hanggang sa hulo ay akala parin. Una ay ang maging TAHIMIK sa gitna ng pang gigipit na pinagsisihan kong labis dahil sa dami ng tumatangis. Naiinis ako sa sarili ko noon dahil wala akong nagawa para ipaalam ang nakita kong kamalian at ang mas masaklap ay iba naman ang ginawang praktisan. Na sa hirap na ng buhay ay sinusubukan pang kwartahan at pag di pa nakuntento ay maging ang walang bayad ay pinababayaran.
Ikalawa ay noong hindi ako nakialam sa isang malaking bagay na ang binigay sa akin ay matinding bagabag. Parang multo na dumadalaw sa araw araw at ni holiday ay walang pinapalampas. Ako lang ba ang may lakas ng loon na magreklamo? O sadyang naging pipi na ang mga tao sa mundo? My frustrations are getting higher and higher, ni hindi ko pinangarap na makita ang bayan ko na ang sariling mga tao ay sila sila mismo ang nang gagago! Ang ikatlo ay ganito. Sa isang sitwasyon na nakataya na ang buhay mo, ano kaya ang gagawin mo? Naglilinis ako ng tenga at hindi bingi sa mga usap usapan at sa maikling panahon ay aking mga napatunayan, akala ko pipi lang ang mga tao un pala nadamay na ang tenga sa pagiging baldado.
Kaawa awa o nakakatawa? Ganyan ang turing satin ng iba, nasa posisyon na nga at binabayaran ng sambayanan ay andun parin ang intensyon na manggamit ng KABABAYAN! Maawa naman po kau sa kanilang pinagdadaanan! Dahil bawat sentimong kunukuha nyo sa kanila ay pagod at hirap ang bibubuno nila. Maaatim nyo kayang ipakainin sa inyong mga anak ang pera na nanggaling sa hindi maganda? O manhid na ang inyong sikmura sa ginagawa na di kaaya aya? Matuto sana kayong maging tapat sa tungkuling sinupaan na hindi porket ginagawa ng inyong mga kasama ay gagawin nyo na. May kasabihan nga ang mga bata na, “Gaya gaya putomaya, paglaki BUWAYA!” tama diba? Bagay na bagay sa gawain nila.
Kung hindi man mahihinto ang kanilang nasimulan ay pawang sa Dyos ko na lamang ipinauubaya, dahil wala akong kakayahan sa ngayon para sila ay magambala. Sabi ng ang isang kaibigan ay wag daw maghinay hinay dahil mabilis silang makaamoy ng kaaway. Hindi naman ako kaaway o anu man, isa lang naman akong bata na nagtatanong sa tamang paraan upang maisaayos ng mga baluktot na nakagawian. Na kung mamasamain nila ay malamang ay TINATAMAAN at sa kanilang mga ugat ay maninirahan.
Un lamang at maraming salamat! Sana ay hindi kayo sakop ng ALAMAT! Sulong KABATAAN!
Sabi ko sa sarili ko, uumagahin bako sa pagtingin sa kisame na walang hinihintay? Nakasabit ang pangarap sa bituin na natabunan ng mga ulap at isip na lumulipad na kasama ang diwa. Manhid na katawan sa maghapong hirap na lalung pinalala ng problema at mga suliranin na maging pipi ay hindi masabi.
I therefore realized that im not getting any younger, my mind was getting faster in degrading thoughts that are coming and surpasses all means by way of thinking. As time flies napansin ko na naiiwan nako, na sa tuwing lalakad ang mga barkada ko ay may kaparis ang kanilang mga kamay at di mapagkakaila na ako ay madalas na nahihiwalay.
Sa isang banda ay di naman ako nagtataka, di naman kasi ako naghahanap na katulad ng iba pero ramdam ko ang inggit na sakin lamang pumapalipit. Sa madaling salita ay nag-iisa na pag nagkagipitan na ay walang paghihinalaan kundi ang isa. Simula at sapul ay hinahayaan ko nalang, ang mga bagay bagay na dumaan sa kung saan saan, pero kung nagiisip pala ko nung mga oras na yon ay marahil ay di ko na sinulat ito para mabasa nyo. Dahil.. basta, ewan ko.
Hindi naman ako naghahangad na magkaroon ng makakasama, magpapasaya o dili kaya ay laging nagpapaalala. Ang kelangan ko ay ung tao na may sobrang laking pang unawa at may pasensya na lampas diyes kilometro ang haba. Ung tipong cool lang sa lahat ng bagay at may ngiti na nakakawala ng umay, at sa aking palagay ay pwede nang humimlay pag siya ay natagpuan. Pero hindi pa pala kasi wala pa nga sya. May isang kaibigan na nagbangit sakin, wag ko daw hanapin ang babae na para sakin dahil darating daw un kahit di hintayin. O sige, pagpalagay na nating natrapik, nadaan sa baha, walang masakyan, walang pamasahe at hindi pinayagan ng magulang. Sapat na bang dahilan para ako e mainip? Hindi sa puntong ito, dahil ang totoo wala naman talaga akong hinihintay at hinahanap. Ang nais ko lang ay ibahagi ang aking nararamdaman upang maipakita sa inyo ang tunay na kalagayan ng kabataan sa mundong ibabaw. Na naghahanap ng sobra sobra na nakaahin na sa mesa nya at walang kapaguran na maghanap pa ng iba.
Wag tayong malungkot sa ating mga kulang sa buhay, bagkos magpasalamat sa kung ano man ang sa atin ay ibinigay. Ung bang mabuhay tayo sa mundong ito ay kulang pa para maghangand pa ng mga luho? Luho nga bang maituturing? O sadyang isang pangarap na mailap na marating. Sabagay lahat naman ay nadadaan pagsisikap at mabuting pakikipagusap, hayaan nalang natin na maglaro ang pagkakataon at tsaka natin tignan kung may mapapala o wala. Dahil sa bandang huli ay tayoy tatanda na hindi paurong ngunit pasulong na hindi naghihintay ng kapalit sa bawat isang gawa, bagkos may pakinabang sa nakapaligid niya at sa mga naniniwala.
Habang nagiisip ako ng kung ano ang dapat kong isulat, sa playlist ko ay tumutugtog ang mga kanta na lagi kong naririnig sa mga kasiyahan na aking pinupuntahan. Banyaga man ang umawit ay kakaibang ligaya naman ang kanyang hatid. Ang katawan ko ay napapaindak ng kusa na hindi ko mapigilan, nagiging bihag ng isang espirito na gusto ng aking katawan na lumalamon sa aking kamalayan.
Hindi maikakaila sating mga kabataan na ito ang ating nais, hindi dahil tayo ay naaadik sa tawag nito kundi upang palayain ang sarili sa mga suliranin ng buhay na minsan ay sumira sa ating kamusmusan. Dito rin natin pansamantalang sinasara ang pintuan ng masalimuot na buhay, at binubuksan ang bintana ng paglaya na ating pinakakaasam asam.
Dito ko nakita ang saya at naramdaman ang malaking pag-asa. Na sa pamamagitan ng masasayang tugtugin, mga serbesa at pulutan na nakaahin at samahan pa ng mga kaibigan at barkada na hanggang sa iyong pagtanda ay karamay sa lahat ng bagay, ay doon mo mararamdaman ang totong kahulugan ng saya. Hindi ko alam kung bakit masyado akong emosyonal sa puntong ito at nakukuha kong itangis ang mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga titik na naisulat ko. Nais ko lamang kontrahin ang mga nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay walang kalalagyan, na puro saya ang hanap at puro problema ang dala. Ramdam ko ang pinagdadaanan nila at alam kong kayong mga nakakabasa ay hindi nalalayo sa kanilang mga problema.
Nagiisip, gumagawa at nakikialam. Ganyan ang gusto kong simbolo ng kabataan, pero sa likod ng pagiging aktibo at hasa sa paglaban sa realidad ay mayron tayong puso na malambot pa sa mamon na handang makinig at tumulong. Ung tipong nagiging one sided kunwari upang ang kaibigang nagkakaranas ng pagsubok ay tumatapang sa pamamagitan ng iyong tulong.
Lahat naman ng tao ay may pupuntahan, maging ito man ay makakabuti o makakasama. Sa patuloy natin na pagtahak sa daan patungo sa tagumpay ay nais nating lumaya paminsan minsan. Na hindi bakasyon ang habol kundi ang pansamatala na makawala sa masalimuot na mundo na pinagagana ng mga ganid at sakim sa sanlibutan. Tayo man ay madalas na sabihan na pahirap, walang kwenta at sakit ng ulo ng magulang, tayo naman ay may papatunayan. Na ang sumulat at nagbabasa nito ay sa hinaharap ay titingalain ng bawat isa na nanlalait ang nanghahamak sa pangalan na ibinigay ng tao na sa iyo ay nagsilang. Tayo man ay nagsasaya ay din naman ibig sabihin na sarili lamang natin ang ating iniisip, iyon ay dina kailangang ulit-ulitin dahil sa pagdating ng bukas na tayo ay gigising ay dala natin ang pag-asa na kasama sa ating PAGSASAYA.
Blog Archive
-
▼
2010
(23)
-
▼
June
(7)
- Hindi lahat ng UMPISA ay nagSISIMULA sa UNA.
- Kung sino ako, ay malaking parte ang Tatay ko.
- Mga karaniwang gumugulo sa isip ng mga tao sa mund...
- Mga DI-DAPAT nangyayari na nangyayari.
- Ang alamat ng Tahimik, Walang pakiaalam at Nagbibi...
- Where’s my Girl?
- Pagsasaya: Ang walang kamatayang pagiwas sa lahat ...
-
▼
June
(7)
Your Text
Pages
Ang ChatBox ni Eagle Man
About the Author
- Ejay Caluag
- I want something different from others, something awkward but have something to say and something to prove. Saludo ako sa mga taong tunay, taong walang pakialam sa sasabihin ng iba para lang magawa ang gusto nila. Hanga ako sa kanila dahil ganon ako kung umasta. Isa lang ang gusto ko, MAGBLOG at magsulat ng mga NAKIKITA ko para malaman ng iba ang nangyayari sa lipunan na ginagalawan nating pare pareho. Wala akong HILIG sa PULITIKA, ang hilig ko lang ay PUNAIN sila sa mga KALOKOHAN na ginagawa nila. "TANDAAN, walang masama sa pagbibigay ng OPINYON dahil ikaw mismo ang gumagawa ng iyong sariling reaksyon. At pinapahayag mo lang ang nararamdaman upang malaman ng iba at matauhan sila kung sakaling TAMA ka."
Followers
Archive
-
▼
2010
(23)
-
▼
June
(7)
- Pagsasaya: Ang walang kamatayang pagiwas sa lahat ...
- Where’s my Girl?
- Ang alamat ng Tahimik, Walang pakiaalam at Nagbibi...
- Mga DI-DAPAT nangyayari na nangyayari.
- Mga karaniwang gumugulo sa isip ng mga tao sa mund...
- Kung sino ako, ay malaking parte ang Tatay ko.
- Hindi lahat ng UMPISA ay nagSISIMULA sa UNA.
-
▼
June
(7)