►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009

Bagong administrasyon, bagong pamamahala, mga bagong mukha at mga bagong panata. Iyan ang mukha ng ating bansa na ipinakikita ng bawat isang Pilipino na naghahangad ng pagbabago. Nagtatanong at nagtataka kung pano magsisimula sa pamamagitan ng panibagong ideya at mga makabagong istratehiya na makakatulong sa Bayang Ina.

Kung marami ngang naiwang problema sa ating bayan ay sya rin namang mamanahin ng susunod na maglilingkuran. Para lamang yang kaldero na pag sinalang mo sa kahoy ay mauulingan at kahit urungan ay may matitira paring mga mantsa ng nakaraan. Maging sa pag-ibig man ay ganyan, minsan kang nasugatan at ang tiwala’y lumipas sa pagdating ng bukas ay hindi mahirap na hanapan ng butas.At tayo man nung ginawa ng Dyos ay may mga mga kasama at hindi nasimula from zero at sa haka haka.

Mababaw kung tutuusin pero malalim ang ugat na nakatali sa ating mga bisig, sanay tayo sa karaniwang sistema at kahit na sabihin natin na pagbabago ay andyan na ay hindi parin maiiwasan ang problema. Kapag ba maliligo ko ay laging ulo ang binabasa mo sa unang buhos na tabo? Di ba minsan ay inuuna mo muna ang putik sa iyong paa o ang langis sa iyong mukha tsaka ka palang babalik sa ulo para matapos na ang ritwal sa umaga. Sa totoo lang ay ayoko talaga ng lumang sistema lalu na sa pulitika, pero ang iba na naiwan sa kung saan ay walang habas parin ang gampanin sa mga nakakasulasok na mga bagay.

Hindi ko sinasabi na mali ang magsimula sa una o kaya naman ay hindi maganda na yakapin ang bagong simula. Kasi kahit hindi natin tignan ng mabuti ay meron parin namang magaganda sa nakaraan na mahirap baliwalaain at talikuran ng basta basta. Kailangan planuhin ang mga bagay bagay bago ituring na walang kwenta o di na kailangan, kasi kung hindi nga tayo lilingon sa pinanggalingan ay wala daw tayong paroroonan. Pero, kung makakabuti ang mga panibagong gawa na sa tingin natin ay TAMA e di ituloy na natin ang mga dapat asikasuhin bago pa lumipas ang panahon na sa isang iglap ay wala na sa mga kamay natin.

Marami ang nagtaas ang kilay sa aking opinyon, marami ang nagtatanong, marami din ang gustong malinawan sa aking binitiwang pahayag. Eto po ang masasabi ko. Mayroon kasing mga bagay sa mundo na dapat manatili,gaya ng araw na nagbibigay ng init, ang ulan na nagbibigay ng tubig at hangin na nagbibigay daan para tayo ay manatiling buhay at humihinga parati. Parang isang kandila na pag nasindihan ay nauubos at pag nalusaw at dapat tunawin muli para magamit at magbigay ilaw muli. Isang kaisipan na mababaw pero malalim ang pinag-ugatan, na sa aking sarili ay bumibihag kasabay ng panaginip ko sa tuwing dadako sa gabi at matutulog. Nakakulong sa selda ng kaisipan ang ideya ng iba na ayaw pakawalan dahil naipit na sa sistema. Magising sana ang bawat isa kung gusto nating mapaunlad ang sarili kasama ng BAYAN na mayaman sa kasaysayan at uhaw sa tunay na KATOTOHANAN!

0 comments:

Post a Comment