►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009


Kilala nyo ba ko? Kung oo pano nyo nasabi? Di basabi nila, “Tell me who your friends are and i will tell you who you are”. If i not mistaken ito un. Pero isa lang aspeto ng buhay ang barkada at malaking parte ng pagkatao mo ay ang mga magulang na nagpalaki sayo lalu na ang TATAY mo.

Haligi ng tahanan sa matandang katawagan, nagbabanat ng buto para buhayin ang pamilya at may matayog na pangarap sa pagdating ng bawat bukas. Kalokohan ang hindi pag amin sa tunay na nararamdaman kahit di naipapakita ay alam natin na iyan ay nandyan lang, isang magandang halimbawa dahil ngayon ay araw ng mga AMA.

Ang Tatay ko ay matipid. Ayaw gumasta ng basta basta sa sarili nya pero pag sa aming magkapatid ay sobra sobra kung maglabas ng pera. Walang trabaho na inuurungan, walang responsibilidad na tinatalikuran at higit sa lahat ay idolo sa paningin ng sumulat nito dahil sa walang sawa na pag agapay mula ng ako ay isilang hanggang sa kasalukuyan.

Daig pa ng Mama na to si Superman sa totong buhay, isa syang Tubero, Electrician, Tindero at Businessman. Di lang yan, sa gabi ay Chef pa yan at namamalengke kasabay ng paghihilik ng karamihan. Seryoso sa pagtatrabaho pero kahit pagod ay wala kang maririnig na reklamo at kahit santambak pa ang kalokohan mo ay sasakyan kapa nito pra di mabasag ang trip mo.

Hindi man nakatapos ng Elementarya ay daig naman ang mga nasa opisina, dahil sya mismo ang tumutuklas sa mga karunungan na karaniwan ay nagsisimula sa paaralan. Sabi nga nya “Ako, di nakapag-aral pero nagsipag ako at walang tinatangihang trabaho”. Doon ako nagkaroon ng lakas para magpatuloy sa hamon ng buhay dahil kung hirap lang ang pagbabasehan ay Beterano ng maituturing ang TATAY ko dyan. Sya ang dahilan kung bakit malawak ang aking isipan, dahil sa kanyang mga naituro para ako ay tumayo at sa kanyang suporta para ako ay magpatuloy at wag yumuko.

Masasabi ko na the best ang tatay ko, isang ulira at mapagkakatiwalaang tao na pag tinignan mo ay seryoso. Siya ung tipo na hindi magpapauli pag hinamon mo, at bumabanat ng malupit na katwiran at gusto pang akoy ipasok sa hukuman.

Di nga matatapos ang Pagiging TATAY sa pagiging ama ng tahanan at magtrabaho para sa ikabubuhay ng pamilya. Ito rin ay parang gwardya na nakabantay 24 oras, parang doktor na nakamonitor sa bawat pintig ng puso at Arkitekto na gumuguhit ng Bluepringt ng buhay ng bawat pamilya, lalu na at para sa anak upang di danasin ang hirap. Kaya di natatapos ang aking pasasalamat sa lahat ng nagawa ng aking AMA, simula sa unang pagmulat ng aking mga mata papunta sa pagpasok ko sa eskwela hanggang sa kung saan pa man ako papunta.

Kaya ikaw, magpasalamat ka sa kanya hanggang nandyan pa sya. Dahil di tayo sigurado sa panahon at maaaring mangyari, iparamdam mo ang tunay na pagmamahal bilang sukli sa mga pawis na idinilig nya sa lupa para itaguyod ka. Magpasalamat at huwag mahiyang humingi ng tawad sa mga pagkukulang, tao din naman sila na naghahanap ng pagmamahal at nangangailangan ng kalinga. Na kung manggagaling pa sa anak ay walang kapalit na luho o kung ano mang artipisyal na saya. Kaya saludo ako sa aking TATAY at sa lahat ng mga AMA na di nagsasawa para gumabay at mag-aruga sa bawat isa!

Cheers for our Dad’s. :)

1 comments:

Pirate Keko said...

Hoy Pareng Ejay I add mo ako sa Blog MO :)

Post a Comment