►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009

Habang nagiisip ako ng kung ano ang dapat kong isulat, sa playlist ko ay tumutugtog ang mga kanta na lagi kong naririnig sa mga kasiyahan na aking pinupuntahan. Banyaga man ang umawit ay kakaibang ligaya naman ang kanyang hatid. Ang katawan ko ay napapaindak ng kusa na hindi ko mapigilan, nagiging bihag ng isang espirito na gusto ng aking katawan na lumalamon sa aking kamalayan.

Hindi maikakaila sating mga kabataan na ito ang ating nais, hindi dahil tayo ay naaadik sa tawag nito kundi upang palayain ang sarili sa mga suliranin ng buhay na minsan ay sumira sa ating kamusmusan. Dito rin natin pansamantalang sinasara ang pintuan ng masalimuot na buhay, at binubuksan ang bintana ng paglaya na ating pinakakaasam asam.

Dito ko nakita ang saya at naramdaman ang malaking pag-asa. Na sa pamamagitan ng masasayang tugtugin, mga serbesa at pulutan na nakaahin at samahan pa ng mga kaibigan at barkada na hanggang sa iyong pagtanda ay karamay sa lahat ng bagay, ay doon mo mararamdaman ang totong kahulugan ng saya. Hindi ko alam kung bakit masyado akong emosyonal sa puntong ito at nakukuha kong itangis ang mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga titik na naisulat ko. Nais ko lamang kontrahin ang mga nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay walang kalalagyan, na puro saya ang hanap at puro problema ang dala. Ramdam ko ang pinagdadaanan nila at alam kong kayong mga nakakabasa ay hindi nalalayo sa kanilang mga problema.

Nagiisip, gumagawa at nakikialam. Ganyan ang gusto kong simbolo ng kabataan, pero sa likod ng pagiging aktibo at hasa sa paglaban sa realidad ay mayron tayong puso na malambot pa sa mamon na handang makinig at tumulong. Ung tipong nagiging one sided kunwari upang ang kaibigang nagkakaranas ng pagsubok ay tumatapang sa pamamagitan ng iyong tulong.

Lahat naman ng tao ay may pupuntahan, maging ito man ay makakabuti o makakasama. Sa patuloy natin na pagtahak sa daan patungo sa tagumpay ay nais nating lumaya paminsan minsan. Na hindi bakasyon ang habol kundi ang pansamatala na makawala sa masalimuot na mundo na pinagagana ng mga ganid at sakim sa sanlibutan. Tayo man ay madalas na sabihan na pahirap, walang kwenta at sakit ng ulo ng magulang, tayo naman ay may papatunayan. Na ang sumulat at nagbabasa nito ay sa hinaharap ay titingalain ng bawat isa na nanlalait ang nanghahamak sa pangalan na ibinigay ng tao na sa iyo ay nagsilang. Tayo man ay nagsasaya ay din naman ibig sabihin na sarili lamang natin ang ating iniisip, iyon ay dina kailangang ulit-ulitin dahil sa pagdating ng bukas na tayo ay gigising ay dala natin ang pag-asa na kasama sa ating PAGSASAYA.

0 comments:

Post a Comment