►Opinyon ng Malikot na Imahinasyon

Opinions, Suggestions and even Complains are well entertained. ©2009


Sa pag-gising sa umaga ay wala nakong iniintindi. May kakainin, may perang babaunin at walang dapat isipin kundi ang panibagong araw na parating. Maswerte nga akong maituturing dahil di ko pa halos nararamdaman ang tunay na problema ng lipunan pagdating sa loob ng aming tahanan.

Ung mga nakikita natin sa TV na nagugutom, Namamalimos, Naglalako ng bulaklak ay pawang totoo, at hindi iilan ang nagsasakripisyo para labanan ang hirap na pasan pasan sa araw araw na nagiging mitsa ng kanilang kalungkutan. Halos di nila alam ang gagawin para pagkasyahin ang maghapong kita sa lumalaking pamilya at tumataas na halaga ng mga bagay na nakikita ng mga mata. Kung ikaw ay nagiisip at nagtatampo sa mga magulang mo, kung bakit ayaw kang ibili ng laptop, psp at ipod ay isipin mo ang iba na ni damit ay wala at ang sikmura ay nagwawala. Iniisip ang bukas kung walang isasaing, kung uulan ay kung ano ang ipapantatabing at pano ang hinaharap kung walang diploma na masasalat? Di naman ako nangongonsensya, sinasabi ko lang ito para mamulat ka, kasi wala kana sa mundo na mga bata lang ang naglalaro at mga poste na lamang ang nakatayo.

Paulit ulit akong nagpapasalamat dahil isinilang ako sa mundo na hindi salat. At sa ngayon kung problema lang ang paguusapan ay mga magulang pa natin ang nagdadala nyan. At wag ka, dahil hindi mo mapipigilan ang panahon na pasapitin tayo sa ganyang sitwasyon.

Sasalubungin ba natin ang bukas na walang kasiguraduhan? O mananatiling mangmang sa mabilis na pagbabago ng lipunang ginagalawan? Sabi nga sa wikang Ingles "There is nothing permanent except change." But even change is not permanent diba? So why practice? Anu daw? :)

Sayang ang utak kung di gagamitn at pagyayamanin. Paano mo nga ba haharapin ang mga suliraning darating? Sa tingin ko ay simulan mo sa pagdarasal at tapusin sa pamamagitan ng pagiging masipag at walang alinlangan. Dahil sa mundo na ito ay walang bago, kung hindi mo yayakapin ang landas na tutunguhan ng isip mo.

0 comments:

Post a Comment